Epilogue

98 8 1
                                    

 Author's Note: So, heto na po ang last part; ang FINALE... SALAMAT PONG MULI sa mga nagbasa at sumubaybay... Sana po nagustuhan niyo po ^^

_______________________

Dalawang taon na ang dumaan. Maraming nangyari simula noong bakasyon.

Si JD at Carter, mas piniling mag-aral sa UP Diliman. At dahil sa Manila na mag-aaral si JD, napilitan si Hana na kumuha ng dalawang classmates niyang willing tumira sa bahay nila para may makasama siya sa bahay. Alam na, ang parent nila ay nasa Italy. Si Loviel naman pinadala sa America being as only child, kailangan daw niyang sumunod sa utos ng parents. But I know his true reasons. Sarap nga itapon eh. He wants his heart to mend away from here. Ah basta, 'yun na 'yun. Ang kapal ko naman kung ako pa magsasabi. Kaya ang Deep Crimson, pahinga muna.

Ayra decided to go to Baguio for her studies and Yuan, Me, Xandro and May enrolled in Montemayor Colleges. Hindi ko nga inaasahang kukuha ng Criminology si Xandro. And May decided to take up Business. Ganoon din si Yuan. At ako, siyempre Teacher Ed.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Oo nga pala. Itong si Damuhong Tinapay, I mean Hansel, kumuha ng masteral degree kaya nagtuturo na siya dito sa Montemayor Colleges bilang instructor ng Criminal Justice. At the same time, siya ang head ng Guidance Office.

"Tinitingnan ko lang si May."

"Tinitingnan? Nasaan ba siya?"

"'yun oh. As usual, kinukulit na naman niya si Xandro. Parang noong high school."

"But we all know that everything is different now."

Nalungkot ang mukha niya. Kahit medyo malamig ang pagtrato niya sa mga pinsan niya dahil nasanay na nga siyang maging ganoon, mahalaga pa rin talaga sa kaniya ang mga ito. Kahit pa sabihing hindi talaga sila related by blood. Napatingin ulit ako sa labas.

"Kung hindi lang-"

"Five minutes na lang, magsisimula na ang night class, may night class ka?"

"Hala! Oo pala. Wala naman, kaso may club activities kami. Patay ako kay Yuan kapag na-late ako."

"Good luck."

"Sabi mo pa. Sige bye."

"Sandali."

Ang before I knew it nahila na niya ako at nahalikan sa pisngi.

"Mamaya ha?"

"Sa Old Building? Sure."

"Sus. Sir, tama na 'yan. Lesson muna."

"Mga loko. Magsisisi kayo. Recitation tayo ngayon."

"Sige. Bye."

Nakakagutom tumitig sa mga tao, makabili nga muna ng pagkain.

"Saan ka pupunta?"

"Yu..."

"Late ka na nga, lalayas ka pa? Sa club room, dali!"

"Opo!"

As usual, under pa rin ako ni Yuan, as manager of the Kendo Club sa high school department. Part time job niya lang. Tumakbo na ako sa club room bago pa ako mahampas ng espada.

Inaasahan kong susunod siya pero paglingon ko, nakatingin lang siya sa labas ng bintana, kay May at Xandro. At may napansin ako, may kung anong kislap sa mata niya. Galit ba 'yun?

_____THE END____

A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon