40

2.1K 73 10
                                    

"Baby, okay ka lang ba diyan?" I heard Marco ask and I had to pause what I'm watching para lingunin siya to nod in response. Bumalik din kami sa kanya-kanya naming ginagawa after that.

Nasa condo niya ako ngayon, sa kwarto actually. Nakasandal ako sa headboard ng bed niya at nanonood ng last two episodes ng Lavender sa laptop niya habang siya, eh, nakatalikod sa'kin dahil andun siya sa may work area niya. Saturday kasi at medyo busy siya dahil may nire-review siyang audit reports so hindi kami makalabas kaya heto, pinapunta niya ako dito para tumambay nalang muna. Okay lang naman sa'kin kasi tinabunan niya ako ng maraming Ferrero Rocher so masaya na ako.

Pagkatapos ko ng episode fourteen at almost thirty pieces ng FR, nag-decide akong huminto muna kasi alam kong ngangawa ako sa last episode. Hindi ako prepared. Chos! Kung makapag-inarte naman ako parang first time ko naman 'to mapanood.

Nilabas ko nalang muna 'yung phone ko para makipag-chikahan kay Dara. Medyo kailangan ko siyang charotin para palitan niya 'yung hinihingi niyang graduation gift sa'min ni Kuya. Kaloka kasi 'tong bunso namin, ambisyosa masyado, eh.

"Baby," he called again and I glanced at him. "Anong gusto mong dinner? Baka gutom ka na. Hindi ka pa naman nag-meryenda."

I looked at my phone at napansin kong almost 7PM na pala. More than five hours na pala kaming ganito, may sariling mundo. We're just two meters away from each other pero hindi kami nagpapansinan.

I tapped my phone on my cheeks. "Lalabas ba tayo or magpapa-deliver nalang? Parang gusto ko ng pancit canton lang."

"Pa-deliver nalang para hindi ma-effort. Ano pang gusto mo?"

Umiling ako. "Gusto ko ng pancit canton, 'yung instant. Tsaka egg. Bibili nalang ako sa Mini Stop. Ikaw anong gusto mong kainin? Ibibilhan nalang kita."

He stared at me for a few seconds. "Sure kang 'yun lang ang gusto mong kainin?"

Tumango ako and smiled. "Oo naman. Dali, anong gusto mong kainin? Ako na bibili."

I got out from the bed at pumunta sa banyo para mag-powder. Paglabas ko, nakita ko siyang naka-upo sa may edge ng bed.

"Samahan na kita," he said as he got his wallet.

"Hindi na. Keri ko na 'to. Ano ngang gusto mong kainin?"

Umiling siya. "Papa-deliver nalang ako sa KFC."

Natigilan ako at naglaway bigla.

"Oh bakit?"

I sat down beside him and looked at him with a shy smile. "Parang gusto ko ng macaroni salad tsaka mashed potatoes."

He laughed as he pinched my cheeks. "Ako na ang tatawag. Ano pa gusto mo?"

Umiling ako. "'Yun lang."

Bigla akong natigilan when I felt something from down there. Oh no!

"Baby, are you okay?" He asked in concern as he held my shoulder. I just looked at him in horror. "Baby, you're scaring me. Anong nangyari sa'yo?"

I started fidgeting. "Baby, I need to go home."

"Why?"

"I have," I said in a whisper but it seemed like I only mouthed the words because I was too ashamed to tell him. My gosh! Bakit naman ngayon ako dinatnan? Nakakaloka! First time 'to na dinatnan ako na may kasama ako. Usually kasi, morning siya dumarating kaya nagagawan ng paraan. You know what I mean. First time talaga 'tong gabi siya um-arrive. Nakakaloka!

"You have? Do you have feminine pads?"

Napangiwi ako at umiling. "I need to go home na." I started to pick up my things kasi I really need to go home, now na.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon