“Dhae?”
“Uy, Kuya Niks!” I managed to give him a smile kahit nagulat ang beauty ko sa bigla niyang pagsulpot sa harap ko.
He pointed at the empty seat in front of me. “May kasama ka?”
Tumango ako. Hindi ba obvious?
“Ah, samahan muna kita, okay lang? Inaantay ko din kasi yung client na imi-meet ko,” he said as he sat in the chair across mine. Hindi pa ako nakakasagot, eh. Gusto ko sana siyang paalisin kasi baka biglang dumating si Marco, kaso nahiya naman ako kasi nakaupo na siya, eh. I smiled na lang.
Nasa Kichitora of Tokyo ulit ako. Since hindi nagtagal yung pagkikita namin ni Marco last Sunday nung binigay niya ‘yung pasalubong niya sa’king chocolates at trench coat (na hindi ko alam kung kailan at saan ko maira-rampa) dahil may jet-lag pa siya, we decided to meet up for dinner ngayon dahil TGIF na naman sa first week of work ngayong taon. I came in early lang kaya mag-isa palang ako. Sabi ko kasi sa kanya, 8 PM kami magkikita kasi akala ko mata-traffic ako ng bongga sa may Kalayaan Ave., kaso nagkamali ako. I texted him, though. Kaso baka mamaya pa ‘yun kasi ngarag-ngarag na naman ang lolo mo sa trabaho.
“Sinong inaantay mo? Si Raj ba? Parang nakita ko kasi siya kanina sa may Glorietta,” Kuya Niks asked with a smile.
Ngumiti lang ako with a blush. Nakakahiya kasing sumagot ng, “Yung lovelife ko, Kuya.” Naks naman, mahiyain na ako ngayon.
“Kumusta ka na pala? Galing kayong Hongkong at Macau, ah,” he continued. Salamat sa Instagram, updated siya sa mga ganap sa buhay ko.
“Eto, Kuya, patuloy ang pagganda.” I laughed.
He smiled. “Oo naman.”
“Charot. Ikaw talaga, Kuya, ang supportive mo sa’kin. Okay naman ako. Ikaw, kumusta? Busy season na naman.”
Natawa na din siya. “Eto, kinakaya pa naman ang stress ng busy season.”
I grinned. “Kayanin mo pa. More.”
“Wala namang choice kung hindi kayanin,” he answered with a shrug. “Nakita ko nga pala yung post ni Raj sa IG nung Friday night.”
Bigla akong napangiwi. OMG!
I felt I blushed some more. Bastos kasi ‘tong si Raj nung nasa Potipot Island kami. He took a shot of us, as in Marco and I, while we were laughing so hard at something. He was telling me about the time he fell off the bleachers nung nag-decide siyang maglakad ng paatras kasi makakasalubong niya yung teacher niyang tinatakasan niya for that day. Grabe yung saya namin sa photo na ‘yun, nakakaloka. Raj even captioned it with, “Ang saya ni birthday girl. Nganga pa, GF.”
I asked him, begged actually, to take that down kasi binaha ng comments ng mga batchmates at orgmates namin yun. Mga tipong: 1. Ay may lovelife na si Dhae. Kaya pala iba ang aura mo ngayon, girl. 2. Sino siya? Paki-tag please. 3. Who’s the great lucky guy? I-tag na yan. 4. Ang pogi ni Kuya. Ipakilala na yan. 5. Kaya pala ang blooming ni Dhae nung nakita ko siya last time sa Greenbelt, luma-lovelife na pala. Buti nalang hindi naka-tag yun kay Marco, nakakahiya kasi. Super pakiusap na talaga akong tanggalin ‘yun but my ever good best friend refused to do so.
“Uhmm,” I let out an awkward laugh and started being uneasy. Ano ba naman ‘to. “Charot lang ‘yun.”
“Obvious namang masaya ka. What’s the matter? Kayo na ba ni Sir Montero? You look cute together,” he said with a smile pero natulala ako ng burberry lite. I looked at him and saw how his eyes betray the smile in his lips. Kahit hindi naman dapat, kasi alam kong wala naman talagang bonggang rason, I felt guilty.