“Saan mo gusto kumain?” Napalingon ako sa pogi kong kasama. Kalalabas lang namin sa chapel, katatapos lang kasi ng mass.
Kanina pagdating namin, kakatapos lang ng novena. Buti nalang may naabutan pa kaming available seats. Uy syempre naman, magkatabi kami. Ya know, “Friends.”
“Uhh, pwede ba tayo mag-pasta tonight? Nagke-crave kasi ako.” Medyo shy kong sagot sa kanya. Kapag talaga kulang ako sa tulog, nagiging mahiyain ako.
He smiled at me naman. “Sige. Greenbelt 1 nalang tayo? 3? Or 5?”
Here we go again. NKKLK! As in NAKAKALOKA. Ang sosyal naman talaga ng lalaking ‘to.
“Naks, RK! Sbarro nalang tayo, or Pizza Hut. Kahit Jolly Spaghetti nga pwede na, eh. Keribooms na yun.” Natawa nalang ako.
“Ano yung RK??” Kunot-noo niyang tanong. Tinawanan ko naman siya.
“RK, as in Rich Kid.” I tapped his shoulder. “Glorietta nalang tayo. Tara.”
Natawa nalang siya habang nasa escalator kami. So naglakad na kami papuntang Glorietta. Wala kaming imikan while walking. And of course, there he goes with his six inches distance again. Wala lang, natutuwa lang ako sa kanya. Kung maka-distansya naman si kuya eh, akala mo may masama akong balak sa kanya.
Pagpasok namin sa Glorietta, he poked my shoulder. Nilingon ko naman siya. “So, saan tayo?”
I touched my chin at nag-isip. “Sige, Pizza Hut na lang. Okay lang sa’yo?”
He smiled at me. “Sure. Let’s go, gutom na ako.”
So lakad ulit kami. Buti nalang wala masyadong tao kaya nakakuha kami agad ng table. Nag-order nalang kami agad. Aba, gutom na ako. Wala pa akong kinakain today kasi nga kagigising ko lang kaninang hapon.
Pagka-alis nung waiter, nangalumbaba ako at tinignan siya. Nakayuko siya dahil nag-check siya ng phone.
“Marco.” Syempre napalingon naman siya sa’kin pagkarinig ng beautiful voice ko. “Natulog ka ba nang maigi?”
Nagulat ata siya sa tanong ko, tinitigan ako for three seconds eh. Ang weird ko ba? Eh kasi naman, ang eye bags niya ay medyo loaded.
Natawa siya at napailing. Naku, aware ba ‘tong deads ako sa tawa niya? Parang nananadya, eh. At dahil dun ay may karera ngayon na nagaganap sa may dibdib ko. Nyemas, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ay bonggels ang Tagalog ko ditey, Buwan ng Wika ang peg.
“Natulog naman ako, six hours.”
Nanlaki ang maganda kong mata. Syempre, meynteyn. “Six hours lang? Almost 2 AM na tayo (Kinilig ako ng burberry lite!) nakauwi ah, tapos ganun lang tulog mo?”
He smiled at me again. Parang kumalma naman ako sa smile niya. Geez! “Chill. Marami kasi akong tinatapos na reports.”