“Ugh! Grabe talaga, kadiri! Imagine, naghahalikan sila sa harap ko. Like what the hell?! Sa harap ko!” Gigil na gigil kong sabi habang pinagdidiskitahan ko yung ice cream sa mug ko. Andito ako sa apartment nina Lands because it’s Friday at napagtripan kong maki-sleepover. “Ang sarap nilang sigawan ng, ‘Respeto lang sa mga single, oh!’ Or kahit hindi sa single, respeto nalang sa mga taong nasa loob ng bus. Nakakaloka!”
“Inggit ka no? Sagutin mo na kasi si Marco.” Lands laughed and tapped my shoulder.
My eyes grew wide. “Of course not! Sige nga, kailan ako nakipaghalikan in public? At bakit naisingit na naman si Marco?”
“Oh sige, hindi na. Pang-dilim ka kasi, teh!” Raj said with a smile and a tap on my head.
“Kasi nga si Marco ang susi para makaalis ka sa bitter zone mo,” Lands pointed out.
Sumimangot ako. “Pakyu both!” I took three consecutive spoonfuls of ice cream. “I really don’t get the whole PDA thing, you can do those things naman in private. Why do some couples act like they’re giving us a favor by showing the way they kiss their partners? Free show? Yuck, huh! Nakakaloka.” I sighed and rolled my eyes.
Inabot ni Lands sa’kin yung lalagyan ng ice cream. “Ang init na naman ng ulo mo. Oh, ice cream pa.”
I took it naman. “Ugh! Some people are really that annoying.”
“Kalma na, GF. Maghihiwalay din mga yun. Walang forever.” Raj said with a cackle.
I turned to him. “Corrected by!”
“Aheeeeeeem!” Sabay na epal nina Lands at Eya.
Sabay kaming lumingon at sumimangot ni Raj sa kanila. “Eh, ‘di hindi kayo kasali.”
“Ang init ng ulo ni Dana Sanae. Ngayon ka na nga lang ulit pupunta ito, puro rant pa dala mo. Tawagan niyo nga si Marco.” Natatawang sabi ni Eya. Sinamaan ko agad siya ng tingin sabay duro sa kanya ng kutsara ko.
“Don’t. You. Dare. Do. That.” Nakasimagot kong sabi.
Tinitigan ako ni Eya. “But why? Happy crush mo kaya siya. Happy crush lang ba talaga?”
Oh, happy crush. I wish I could go back to the days na happy crush ko lang siya. My gosh, so sad!
“Ouch!” Sinamaan ko ng tingin si Lands dahil pinitik niya yung tenga ko. Masakit kaya!
“Natulala ka na diyan. Wag kang masyadong mag-isip, mahal ka no’n.” He winked at me.
Sumama lalo ang timpla ko. “Ukinnam! Paasa ka.”
“Hindi kita pinapaasa, bestfriend kaya kita,” he said with a laugh.
Sinimot ko muna yung ice cream. “Alam mo kasi bestfriend, ang love dapat Cash Basis, hindi Accrual. Cash Basis, you only recognize it when it is earned and is finally on hand. Pag Accrual kasi, nire-recognize na agad kahit hindi pa collected. Hindi por que andyan na, eh okay na. Ina-accrue mo, eh. Medyo paasa kasi. Accountant ka, gets mo yan,” I lectured as I shrugged my shoulders.
They laughed.
“Hayaan mo, bestfriend, naïf-feel ko namang Going Concern yung sa inyo ni Marco,” he winked at me.
“Yes naman, dapat walang Dissolution na ganap sa inyo, huh? Mahirap mag-liquidate,” singit ni Raj.
I frowned. “Wow huh, operations agad? Pwedeng i-establish muna yung partnership slash entity? Nasa middle at end processes agad kayo, hindi pa nga nagsisimula.”
“I-recognize mo kasi, teh! Paano kayo magkakaroon ng mutual agreement ng completion ng establishment kung todo iwas ka diyan?” Eya asked me with her spoon pointed at me.