Kung Monday ang most hated day, ano naman ang most loved day? Sabi nga ng makabagbag-damdaming kanta ni Rebecca Black, “It’s Friday, Friday, gonna get down on Friday.. Everybody’s looking forward to the weekend, weekend!”
Yan ang inaabangan ng lahat! For some, weekends mean fun. For others, weekends mean rest. Alin man sa dalawang ‘to ang rason kung bakit ‘to mahal ng mga tao, it’s undeniable that it draws a smile to everyone’s faces.
At eto na nga, I’ll say hello to the weekend na naman. I’m thankful na kahit paano, hindi stressful ang week na to. Ang okay kasi sa trabaho ko, 3-5 days yung ngaragan levels sa isang cut-off. Kapag okay ka na sa deadline mo, keri na pumetiks. Magpanggap ka nalang na may ginagawa, kahit wala naman talaga. Kunwari busy-busyhan. At dahil nung Monday lang ako stressed, petiks nalang ako mula nung Tuesday.
5:30 PM nalang ang hinihintay ko ngayon. Excited pa naman akong umuwi para matulog. Nakatitig lang ako sa wall clock habang nag-aantay ng uwian. Pakibilisan please. Pero parang pagdating ng love life ko naman ang pagtakbo ng oras, mabagal.
“Dhae!”
“Ay shet! Ano ba!” Sinamaan ko ng tingin si Irish. Bigla-bigla nalang kasi sumusulpot sa harap ko eh.
“Nakatulala ka kasi. Ano bang iniisip mo? Kung pa’no ka magkakaroon ng boyfriend?” Tumawa pa siya pagkasabi niyan. Walanghiyang to, porke may sarili na siyang family?
“Yabang neto! Oo na, ikaw na ang may asawa at anak. Ikaw na. Tigilan mo ako sa usapang love life. Nakakainsulto eh.” Nakasimangot kong sagot sa kaniya. At tumawa silang lahat sa litanya ko.
“Ikaw na kasi ang maghanap girl. Antay ka nang antay eh. Paano kung nag-aantay din pala siya sa’yo?” Singit ni Wendy.
“Oh eh di masaya! Mag-antayan kami. Ang layo ng mararating namin no?” Nakangiti pa ako habang sinasabi yan. Kainis talaga tong mga to. Uwian na please.
“Seryoso nga Dhae, meet him halfway.”
“ODK! Tigilan niyo ako ples. Kusang darating yan. Malay niyo nagkita na kami. Baka nakasalubong ko na siya somewhere or what. Maybe, just maybe, it’s not yet the right time for us. Timing mga teh, TIMING! Importante yan.”
“Oh tigilan na kasi yan. Dhae, ang ganda mo talaga.” Kinindatan pa ako ni El.
I smiled back. Buti pa talaga tong si El, alam kung anong makakapagpangiti sa’kin.
***
Dahil inurat ako nung mga officemates ko, nawala tuloy ang antok ko. Friday nga pala ngayon, so I decided to have a date with myself. Oh di ba, loner na loner ang peg ko.