61

1.9K 52 23
                                    


Less than a week before flying out of the country for a two-week vacation, tinamaan ng matinding topak ang mga kaibigan ko. It was during lunch time at feel na feel ko ang kinakain kong Carbonara na dala ni Mommy Irene noong tinawagan ako ni Raj.

"Oh?" I answered twirling the pasta on my plate. Nasa pantry kami ng mga ka-department ko at kasalukuyan nilang pinagkakaguluhan 'yung dalang pagkain ni Mommy para sa akin. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o maiinsulto kasi group meal ang ganap ng food package "for me." Hindi ko na tuloy pinabili ng pagkain itong mga 'to kasi paano ko naman uubusing mag-isa mga 'to?

"Teh, nasaan ka?"

"Nasa office malamang. Saan naman daw ako pupunta?" I retorted which later gained laughter from Kelsy and Drin na kasalukuyang lumalantak ng chicken barbecue. Nako, itong dalawang ito talaga, sumisimple ng damoves.

"Gaga ka!"

"I know," I seconded with a shrug. I got up a little para kumuha ng grapes and immediately shove three pieces at once on my mouth. "Oh, anong ganap?"

"Mag-badminton tayo mamayang gabi," hyper niyang sagot at naloka ata ako kaya muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko.

"Gaga ka ba? Ba't bigla kang nag-aaya diyan?" I yelled a little at napalingon 'yung mga boys sa akin, nagulat ata sila. Bigla tuloy akong nahiya kaya umayos ako ng upo at nginitian sila. Reporting pa rin silang lahat sa akin kaya dapat chill lang ako.

"Friday naman. Tsaka mabuti na itong biglang ayaan para spontaneous tayo. I-achieve natin ito, ateng!"

"Kayo nalang magpaka-spontaneous. Kaya niyo na 'yan," I replied taking another serving.

"Hoy 'wag mong sabihing ikaw lang ang absent sa grupo ngayong gabi. Hindi ka na nga kasama sa Baguio, eh. Sumama ka. Maglalaro tayo," push niya pa rin. Kaloka talaga 'to ginamitan pa ako ng guilt card. Pupunta din kasi silang Baguio around second week of Feb ata. Eh, hindi ako makakasama dahil, you know, lalayas ako next week.

I rolled my eyes kahit hindi niya naman nakikita. "Hindi ako prepared! Ba't kasi ngayon lang kayo magsasabi? Wala akong dalang damit. Bakla ka talaga ng taon. Pwede akong sumama basta hindi maglalaro."

"Utusan mo si Dara na dalhan ka ng damit. Arte-arte nito."

"Walanghiya ka talaga! Idadamay mo pa 'yung kapatid ko."

"Oh eh para saan pang ampon natin 'yan? Kailangan nating mapakinabangan 'yang kapatid mo."

"Isusumbong kita kay Papa."

"Friends kami nun, keber. Tsaka pala, sleepover tayo kina Marco after," he giddily added, flaring me up in an instant.

"Anong sleepover?! Hindi pwede!"

"Bakit hindi?"

"Busy kaya 'yun. Busy season, hello? Tapos guguluhin mo. Papasok pa 'yun ngayong weekend kasi nagra-rush 'yun para tapusin 'yung work niya dapat for two weeks."

NAKAKALOKA!

Hello? Paano ko sasabihin sa jowa kong may ganoong balak ang mga kaibigan ko? Sobrang stressed na nga nun dahil nagra-rush siya ng trabaho in lieu of our vacation. Hindi na nga kami masyadong nag-uusap sa sobrang busy niya.

Ako naman keber lang dahil hindi pa ganon ka-ngarag. Ako tuloy ang todo inform kay Marco ng whereabouts ko. I mean, he always wants to know how my day went. Kahit minsan ─ joke, lagi palang, Good to know. I love you. lang ang lagi niyang sagot eh keribels na. Naintindihan ko naman. Well, apart from those times na sobrang toxic na siya, he calls and talks to me for a few minutes to calm him down.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon