Tuesday afternoon, palabas na ako ng building namin when I received a text message from Raj, inaaya akong mag-dinner. Okay lang naman sa’kin so I texted him back and asked him where. Sa Kaya daw kami, antayin nalang daw ako dun. Pagkababa ko sa may Ayala, rumampa na ako.
Nakita ko naman sila agad pagpasok ko sa restaurant. Sila, as in sila ni Lands. Whoah, medyo nagulat nga lang ako upon seeing him there. Akala ko kasi kami lang ni Raj ang magdi-dinner date ngayon. I smiled. Yeah, ayos ‘to. Best friends’ dinner date. Nice!
Lumapit na ako agad sa kanila at bumeso. Umupo ako sa tapat nila, magkatabi na kasi sila.
“Yo! Ba’t tayong tatlo lang?”
“Nasa office pa sina Ciel at Yhin.” Sagot ni Raj.
“Si Ciel kasi may meeting pa daw. Si Yhin naman, hindi pa maka-exit sa kanila kasi may birthday celebration daw. Si Eya, alam mo na kung nasaan.”
I grinned at Lands. “Aww. Miss mo na si Eya, no? Two days more.” Asar ko sa kanya. Nasa Clark kasi si Eya ngayon, may team building sila. Kaloka nga ang team building nila, weekdays talaga.
He shrugged. “Oo. Pero okay lang yun, hindi naman ako clingy katulad mo.”
Nagkatinginan kami ni Raj. “Hindi daw clingy, eh ano yung drama mo sa Facebook?”
“Oo nga. Kadiri ka dun. Akala mo naman mangingibang-bansa yang girlfriend mo, tipong ilang taon kayong hindi magkikita eh tatlong araw lang naman. Ka-stress ka, BF!”
Biglang namula si Lands. Syempre tagumpay naman kami ni Raj kaya nag-high five kami sabay tawa.
“Tigilan niyo akong dalawa. Order na nga tayo.”
Hinayaan ko silang mag-order, kaya na nila yan. Tsaka alam naman na nila kung anong gusto ko. I got my phone and checked my Twitter account. Nag-tweet na lang muna ako habang busy sa pagtatalo yung dalawa kung anong oorderin.
Super scroll naman ako sa timeline ko nung mapansin kong may message pala ako. Exit muna ako sa Twitter to see who texted me. Baka kasi si Dara ‘to, manghihingi na naman ng pambili niya ng kung anu-ano.
Oh, si Marco pala. Tinatanong lang kung nakauwi na daw ba ako. So nag-reply naman ako agad telling him na I’m with these guys. Syempre pa, kilig na kilig na naman ang buong pagkatao ko. At sobrang evident sa face ko kasi super ngiti ako habang nakatitig sa phone ko.
“Hoy Ms. Cordero!” Napalingon naman ako bigla kay Raj. Nakangiti pa rin ako.
Nagkatinginan yung dalawa at parehong nagpigil ng ngiti. Ay, anmeron? Ba’t ganyan sila makangiti? Uh oh, is this bad?
“Kamusta ang weekend, bf? Ang saya mo lang eh, two weekends mo kaming pinagtaguan.” Lands told me with a huge grin. Ay?
“Wait! As in last weekend ng May, to be specific, ang kinakamusta namin huh.” Dugtong naman ni Raj with a knowing look.
And it’s my turn to blush this time. Of course, alam nila yung tungkol sa concert kahit hindi ko sabihin. That thought suddenly made me feel giddy inside. Kinilig na naman ako ng bongga!
Ngumiti lang muna ako and stood up. From their teasing looks, bigla silang nagulat at na-confuse.
“Padaan nga!” Umusog naman sila ng konti kahit nakakunot na yung mga noo nila. Sumiksik ako sa gitna nilang dalawa and hugged them both.
“Oh my Goooooood!” Pigil na pigil akong tumili sa kilig ko. Mukha tuloy kaming tanga dun sa group hug namin. Buti nalang nasa pinakasulok kami. Ayos talagang maghanap ng pwesto mga ‘to.