2

8.2K 150 72
                                    

According to studies, Monday is the most hated day of the week. It ends the fun you had at weekends kasi. Parang there you go, having the time of your life, tapos biglang Monday na pala. Lakas maka-kill ng vibes  di ba? At kabilang ako sa bracket na hate ang araw na to. Mondays open the portals of stress. Lalo na sa aming mga dakilang empleyado. Like we’re gonna say hello to our horrible bosses again. Sinong tao ang gustong mababad sa stress? Nakakabawas pa naman ng ganda yan. Siyempre kahit sobrang ganda ko, iwas-iwas din sa stress. Pero as if naman may choice ako.

Dahil isa akong dakilang empleyado at mahal ko ang sahod ko, kailangan ko na namang umeffort para makapasok. Dahil hindi naman ako ganun ka-big time, kailangan na naman tiisin ng beauty ko ang pagsakay ng jeep. At ang nakakainis pa, may mag-jowang nakaupo sa harap ko na kulang nalang eh mag-make out na dun. Ang sarap sabihan ng “Get a room, will you?” Pero siyempre, hindi ako epal kaya I rolled my eyes at them nalang. I don’t really get the point of being super intimate in public places. For me, okay pa if you hold hands or akbay, but not kissing please. Oblivious of the other people around while kissing? Ganerns? Why don’t you just keep those acts in private di ba?

Okay Dhae, good vibes lang. Don’t entertain negatrons. Monday ngayon, start the week right dapat. Pero dakilang kontrabida talaga ang traffic sa buhay ko kaya ayun, late ako!

“Good morning!” Bati ko sa mga kasama ko habang inaayos ang mga gamit ko. Umupo na ako para simulan yung report ko. Ewan ko ba dun sa manager namin, irrelevant naman yung hinihingi niyang report. Pero sige, I need to indulge him. I don’t wanna lose my job yet. Mahirap kaya maghanap ng trabaho.

So there I was so focused on my monitor when my officemate called me.

“Dhae! Tignan mo to dali! Baka type mo. Irereto ko sa’yo kapatid ko.” Nakangiting sabi ni El sakin. Accountant din namin. Sabi ko naman di ba? Issue pati sa office ang pagiging single ko.

I rolled my eyes. “Seriously El?” Tumawa pa ako  bago tumayo para silipin yung picture. Pagbigyan nalang natin sila.

“Basketball player? Jusme! Anong height niyan?” Yung nasa picture kasi, nakasuot ng jersey.

“6’1””. Nakangiti niyang sagot.

“ODK! Madudurog naman ako. Kainis! 5’4” lang ako oh. Wala bang mas maliit ng onti diyan?” Choosy pa.

“Eh ano naman? Para saan pa’t naimbento ang heels di ba?” Sagot niya pa habang tumatawa. Teka dapat ba akong matuwa dito?

“Nakakaloka ka girl! Push mo yan!” Umalis na ako sa work station niya. Kaimbey mga to. May maireto lang?

Oo na,  ako na ang choosy. There were also guys who wanted to take Tristan’s place before, but I don’t know, hindi ko sila feel. Walang spark. I hate to admit this, but this is the top reason why I haven’t been into any relationship after him. Feeling ko kasi, I had the best before at kailangang makabog yung best na yun. Naniniwala kasi akong kailangan lumelevel-up everytime you enter into a relationship. May growth dapat. Plus I believe that I don’t have to settle for less than what I deserve. Sayang naman ang ganda ko kung kung kani-kanino lang ako mapupunta di ba? I take relationships seriously pa naman.

At tsaka, ugggh okay, there’s this part of me that is scared of getting hurt again. Mahirap kasi talaga pag may trust issues ka. Masiyado kang paranoid na baka mangyari na naman yung dati.

Sabi naman ng isang friend ko, maghanap daw ako ng “for fun” lang muna. Like hello, it’s not my thing. Tsaka, okay naman maging single. You’re free to do anything you want. No restrictions, no hassles, just pure fun.

I was lost in those thoughts when I heard El laughing. Ayun pala, kausap niya sa phone boyfriend niya. Apat lang kami sa department namin. Solo nga namin yung office kaya we can do anything we want.

While listening to El’s one way conversation, a part of me felt envious. I can’t  help but ask, bakit ako lang saming  lahat sa company ang single? Sige isama na din natin yung barkada ko nung college. Yung iba pa ngang kakilala ko, papalit-palit lang ng boyfriend. Bakit ako, kahit isa wala? Nasaan ang hustisya? Forever single na ba ako? Exage Dhae, OA.

Dahil dun, kahit di dapat ako mainis, eh nainis nga ako. Nakakainis lang dahil yung dakila kong ex eh masaya ngayon. Samantalang ako, di man lang nagkaroon ng boyfriend after niya. Baka isipin niya naman na I’m so into him at hindi man lang ako makapaghanap ng kapalit niya din. Kahit naman sabihin pang nakamove-on na ako at masaya ako ngayon sa pagiging single, iba parin yung thought na baka isipin niyang di pa nga ako nakamove-on. Ang bitter ba? Yeah, I can make silly things be reasons for mental disturbance.

So dahil inis nga ako, hindi ko tuloy mabalanse yung running balance ng accounts. Frustrating. Sa mga ganitong panahon, iniisip ko nang magpalit ng career. Nakakaurat tumitig at makipag-deal sa numbers all day. Pero dahil I’ve gone this far, eh sige meynteyn nalang. This time, okay lang sana eh kung thousands or millions ang difference, medyo mas madaling hanapin. Eh kaso, 4.28 lang ang difference neto. At dahil sa kakahanap ko ng l*cheng 4.28 na yan, hindi ko namalayang lunch break na pala.

Lumabas na kami para kumain. Medyo nagmadali pa ako para makabalik agad at nang mahanap na si 4.28. Ang hirap na nga maghanap ng love life, mahirap pa hanapin ang missing amount na to.

Kainis naman kasi to eh, parang relasyon lang. Akala mo okay lang na may difference na konti, pero it will hit you that small things matter the most. Kaya nga kailangan ng adjustments para maagapan yung possible na aberya in the future.

Naku, ang dami ko na namang nasabi. Ayan na, konting kembot nalang, mababalanse na. Focus Dhae! Hayaan mo na yung love life mo, maganda ka naman.

Five hours kong inulit-ulit yang mantra na yan sa sarili ko, kasabay ng pagkakalkal sa papers at pagpindot ng paulit-ulit sa calculator, bago ko nahanap si 4.28! Tengene, may omitted na journal entry pala. At may typos yung nabigay saking report. Buti nalang talaga maganda ako at effective kahit pano ang mantra ko. Oh di ba? Sabi ko naman nadadaan yang mga ganiyan sa good vibes.

Pero sana, nadadaan din sa good vibes at mantra ang love life ko di ba?

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon