31

2.4K 67 20
                                    

I woke up with the loud sound of my phone. Ano ba yan! I groaned as I reached for it on my bedside table.

“Hello,” I said with my eyes closed. A yawn came after.

“Uy! Gising na. Three thirty na. Dadaanan kita in an hour, bilisan mo.”

Despite my super sleepy status, I smiled. Okay, kinikilig kasi ako.

“Five more minutes,” I said in a very sleepy tone pero bumangon na din ako.

“Dhae naman, ‘wag ka na umidlip. Bangon na.”

I grinned. “Antok pa ako.”

“Sabi mo kaya mong gumising ng maaga. Bangon na, baka maiwan tayo ng sasakyan.” I heard him say with a pleading tone. Nag-skype kasi kami until around 1 AM.  Yeah, ang clingy namin. Ang balak naming dalawa hindi nalang matulog para sure na maagang makakapag-ayos, kaso bumigay ako kaya umidlip ako.

“Okay, okay. Babangon na, Sir.” I smiled as I took my towel.

“Good. One hour lang, huh?”

Sumimangot ako. “Oo na. Maliligo na ako. Bye, see you.”

I put down my phone and ran to the bathroom. Because the water’s cold, medyo bumilis yung pagligo ko. I smiled as I stare at my reflection habang nag-aayos. Nakasuot ako ng customized na black shirt na may naka-print na, This = Love. Nag-jeans nalang ako and wore my red flip-flops.

“Love is this, this is love,” I sang as I put on some powder on my face.

Around 4:25 nung nag-text si Marco na nasa labas na siya ng dorm. Nataranta ako. Ano ba naman ‘to, ang aga niya. Hindi pa ako nagsusuklay! My gosh! Binilisan ko nalang yung galaw ko. When the clock struck 4:30, tumawag na siya.

“Hello? Wait lang, andyan na,” I said as I grabbed my things. I heard him laugh. Natigilan ako bigla because I realized how much I love his laugh. I smiled widely as I descend the stairs.

“Okay,” I heard him say. Just that, I felt I really wanted to see him ASAP so I ran to the door. Nabangga pa nga yung balikat ko sa screen door, kaloka. Excited masyado, teh!

“Ouch!” I said habang papalabas ng gate. I blushed when I saw him standing next to me.

“Good morning,” he said with a smile.

Geez, this is indeed a good morning, after all.

“Oh, anong nangyari sa’yo?” he asked as he took my bag.

Napangiwi ako, para may drama. “Nabangga ako sa pinto. Minamadali mo kasi ako,” nakasimangot kong sabi.

“Sorry, 4:30 na kasi, oh. 5 AM ang assembly time natin, baka maiwan tayo. Andun na daw sina Lands,” he said and put my bag inside the taxi. Ngayon ko lang napansin na may taxi na pala. Ayos talaga ‘tong si Marco. “Pasok na.”

Inabutan niya ako agad ng favorite kong Caramel Frappucino from Starbucks when I sat down at the backseat with him. I grinned. “Naks naman! Prepared! Thanks.”

He laughed. “Hindi naman masyado. Gutom ka ba? Pwede tayong dumaan ng muffin sa Mcdo kung gusto mo.”

I took a long sip of my frap. “Hindi, keri na.”

I yawned. Inaantok pa kasi talaga ako.

“Matulog ka nalang sa byahe mamaya.” He told me. Eh, ano pa ba? Tumango nalang ako and concentrated on my coffee.

Pagdating namin sa may EDSA-Ayala, sinalubong kami ng sighs of relief ng mga kaibigan ko. Apparently, kami nalang ang inaantay ng sasakyan. Marco took our things and put it on the baggage trunk of the van. Buti nalang tig-isang bag lang dala namin kaya mabilis lang naayos. Nauna na akong pumasok sa sasakyan, gusto ko kasi sa likod, sa tabi ng bintana. Pumasok si Marco after, tapos sina Eya at Lands. Sa harap namin pumwesto sina Ciel, Raj, and Yhin.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon