37

2.3K 67 14
                                    

“Wala na naman si Ciel?” Gulat kong tanong as soon as I arrived at our table. Nasa Quezon Ave. kami ngayon dahil napagtripan naming mag-samgyeopsal dinner tsaka para maibigay ko na din ‘yung pasalubong nila, apat na araw na kasi ‘yun sa’kin. Nag-iihaw na sila ng pork nung dumating ako. May mga side dishes na nga din sa table, eh.

“May date,” Yhin answered with a smile.

“Napapadalas, huh. Sinong jowa nun ngayon?” I asked at kumuha ng dukbokki.

They shrugged. “Hindi nga nagsasabi, eh. Bastos ‘yun,” Raj replied.

“Grabe, nakakatampo naman. Ba’t ako dati kahit may dates ako, hindi naman ako uma-absent sa dinners natin.”

“Hayaan na natin siyang lumove-life kahit hindi natin alam kung kanino. Ba’t nga ba ‘yun nagtatago?” Raj asked us as he puts another set into the grill.

“Hayaan niyo na nga. Antayin nalang natin magsabi tapos saka natin sumbatan,” Lands said with a smile.

“Teh, Ube Jam ba ‘yan?” hyper na tanong ni Eya sa paperbag na hawak ko.

Natawa ako. “Hati-hati nalang kayo. Tatlong jars ng Ube Jam ata ‘yan tapos limang jars ng Strawberry Jam. May peanut brittle din diyan tsaka lengua. ‘Di ko lang kasi sure kung ilan ang nilagay ni Marco.”

“Tapos ilang Ube Jam ang natira sa’yo?” Lands asked with a laugh.

I laughed out loud. “Sampu.”

“Sabi ko na, eh. Inubos mo na naman pera mo sa Ube Jam,” he said with a laugh. “Hindi na ako mangangamusta ng trip niyo kasi obvious namang nag-enjoy ka.”

Eya suddenly squealed and shook my arms. “Ay teh, kinilig  ako dun sa IG post ni Marco na picture niyo! Nakakainis, bakit ang cute niyong dalawa?”

I blushed pero natawa ako. Nag-post pala kasi si Marco nung Saturday night pa ng picture naming dalawa. ‘Yun ‘yung photo naming dalawa sa Camp John Hay na nakatayo kami na magkahawak ang kamay tapos nakangiti kami sa isa’t isa sideways. Candid photo lang ‘yun actually kasi ang naalala ko, nakangiti kami parehas sa camera nung nagpakuha kami ng picture, hindi ko alam na may gano’ng shot pala kami. He captioned it, I’m looking around, there’s nothing I could want more than to tell you there’s no more than we’ve already got. (lyrics ng As Long As It Matters na kinakanta namin nung time na ‘yan) Tapos nilagyan niya ng emoji ng girl at boy na magkahawak ng kamay.Nung nakita ko ‘yun sa notification ko ng Monday night dahil sinadya niyang sa time na ‘yun lang i-tag sa’kin, nanginig ako sa kilig. Pinagtawanan nga ako ni Marco nung naluha ako. Nakakainis ‘yun!

I winked at her. “Kapag MFEO, gano’ng levels talaga.”

“Panalo ang titigan niyo, GF! Kinabog niyo ang CharDawn,” Raj told me with a loud laugh. Natawa na din kaming lahat.

“Gaga!”

“Ay Dhae nga pala, saan ‘yung kinainan niyo na naka-yellow dress ka? Nag-fine dining kayo dun? Sosyal!” Yhin asked habang hinahango yung first batch ng pork na naihaw niya.

“Oo nga. Tsaka ang ganda nung dress mo. Saan mo ‘yun nabili? Bibili din ako,” Eya continued with a laugh.

I grinned. “Sa Mama’s Table. Grabe, ang sarap ng food dun. ‘Yun na ata ‘yung pinakamasarap na set ng pagkain na natikman ko. Punta din tayo dun one time.” Nilunok ko yung dukbokki ko. “’Yung dress, bigay ni Marco.”

“Saan ka ba pinagdadala ni Papa Marco? Hindi namin alam ‘yung mga pinagkakainan niyo.” Raj commented habang tinutulungan niya si Yhin na mag-ihaw.

I smiled. “Ewan ko dun. Nagulat din ako, eh.” Kumuha ako ng bibimbap at kumain.

“Taray, pinaghandaan! Saan kayo nag-stay?” Eya asked as we started eating.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon