14

4K 96 26
                                    

"Ah guys, hello? Earth to you, earth to you." Natatawa kong sabi. I leaned pa a little closer and waved at their faces. Pero sadyang nabiyayaan ako ng mga OA na kaibigan at ayun, nakatulala pa rin sila sa kasama ko.

Tinignan ko tong kasama ko and I saw na nagtataka din siya. Naka-kunot na yung noo niya habang nakatingin sa kanila.

I snapped my fingers at them. "Hey! Ano, nakakita ng artista? Kailangan may tulala effect?"

Ay ang yabang ko lang. Makapagsalita eh, parang hindi natulala dati. Narinig ko namang tumawa 'tong katabi ko pagkasabi ko nun. Nyemas! Nabasa niya ba nasa isip ko? Sapakin ko 'to eh.

Pero matatag ang mga kaibigan ko, hindi pa rin sila natinag sa pagkatulala.

I heaved a deep sigh and blew my bangs. I looked at them sternly. "Friends, countrymen..." Pero deadma pa rin sila. Napabuga ulit ako ng hangin. No choice na.

"Ahem ahem! I want you to meet Mr. Marco Iñigo T. Montero. Audit Manager namin." Upon hearing me say his name, their faces brightened up, pero tulala pa rin sila. Nyeta nakakahiya na mga 'to.

"Sinabay kasi ako sa car because it's raining cats and dogs outside. So nung nag-aya kayo ng dinner, I was in his car when I answered Raj's call by the way, inaya ko na din siya." Todo explain naman ako sa kanila.

I turned to this guy beside me and smiled. "Sir Marco, these are my super friends Ciel, Yhin, and Eya." Super hand gesture naman ako while introducing them. Nakahilera silang lahat sa may couch. Eya was sitting next to Lands, sa pinakagilid, left side. Sina Yhin at Ciel naman nasa kabilang side, sa tabi ni Raj. Bumaling naman ako sa dalawang nasa gitna. "And these two here are my best friends, Raj and Lands." I introduced pa formally my gosh. I believe it's the way things get to be done.

"Hi! Sorry, sabit ako sa lakad niyo. Nice meeting you." All smiles niyang sabi and extended his hand to them.

Sir, sa puso ko din sumabit ka. Forevs dapat huh? Char!

Pero nakatunganga pa rin sila. Jusme nakakahiya. Sir Marco looked at his hand and pasimpleng binawi yun since wala naman tumanggap. He turned to me with a confused look, siguro he found them weird na. I gave an apologetic smile na lang. Tumayo na lang muna kami dun at hinintay silang mag-react.

Si Lands ang unang nakabawi after a short while. He gave me a serious look muna before he stood up and shook hands with sir Marco. Sumunod naman si Raj na almost ten seconds nakipag-shake hands, may tantalizing eyes pang nalalaman. Lande! Kung 'di pa pasimpleng binawi ni sir Marco yung kamay niya, 'di pa bibitaw ang gaga. And then yung ibang girls, nag-unahan din sa pakikipag-kamay. Ngiting-ngiti sila.

"Sorry, na-starstruck kami sa'yo. Ang cute kasi ng mata mo. Naku alam mo sir, weakness ko ang mga chinito, si Dhae din." Sinamaan ko ng tingin si Raj. Tawa naman ang gaga. "Actually sir, nagulat kami ng bongga. First time kasi magsama ni Dhae ng guy over dinner. Tapos hindi pa kami informed. So ayun, sorry ulit." Tumango-tango naman 'tong iba sa pinagsasasabi ni Raj. Second the motion sila? So si Raj ang spokesperson? Tsk.

At siya na lang ang in-entertain. Umupo ako sa couch mismo, sumingit ako sa tabi ni Raj, so nagtayuan na yung iba para lumipat ng chair. Si sir Marco naman pinaupo din sa tabi ko at pinagpyestahan sa interview.

"Sir ano pong nickname niyo? Ang haba ng name niyo eh." Tanong na may kasamang reklamo ni Eya.

Natawa naman siya bago sumagot. "Sorry. You can call me Marco."

"Wow, audit manager. Saan ka po? Isla Lipana? SGV? KPMG? Punongbayan & Araullo?" Eto na naman po si Yhin, unstoppable na naman. Magkaharap kasi sila ni sir Marco.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon