"Jusmiyo, Marimar! Namumulubi na ako," Raj said angrily as he glared at me. Lands and I glanced at each other before laughing out loud. "Tawa pa kayo diyan mga hayup kayo! Nyemas! Sahod ko ng isang cut-off itong gagastusin ko. Bwisit na buhay itey. Wala na ngang love life, mauubusan pa ng pera," he continued and we laughed more.
"Okay lang 'yan. Pera lang 'yan, kikitain mo din. At tsaka sa ating lahat, ikaw ang may pinakamaraming ipon. Okay na iyang mabawasan man lang 'yang savings mo," Lands told him with a tap on the back (and with a huge grin).
"Ay sus, sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang maglalabas ng pera," Raj replied with his fork pointed at Lands' chest. "Ibabaon ko ito sa'yo."
Muntik na akong mabilaukan sa kakatawa ko. Ang bastos talaga nito. Natatawa na din nga 'tong mga taga-kabilang table sa amin kasi kanina pa talaga bitter speeches ang ganap ni Raj. Good thing hindi pa namin pinapaserve 'yung order naming beers kasi baka maloka kami kapag nag-English na 'tong gagang 'to.
"Hoy ang init ng ulo mo," I remarked laughing and he glared more at me.
"Kasalanan niyo itong dalawa ni Marco, eh!"
"Whoah! Nanisi pa," I answered as I raised both of my hands. "Bakit kami?"
"Ang arte niyo kasing dalawa. Lalong-lalo ka na!"
I laughed as I looked at Lands na tumatawa na. "Well, ganoon talaga."
"Bwisit ka, eh. Alam mo yun! Ang mahal pa naman ng ticket ngayon papuntang Singapore. Walang seat-sale, nakakainis!"
Natawa kami lalo. Medyo bigtime na pustahan pala ang ganap nila ni Yhin dahil out of the country plane tickets ang at stake, roundtrip. Gumulong kami ni Lands sa kakatawa noong sinabi sa amin ni Yhin last Sunday 'yung tungkol doon.
Dahil nga nanalo ni Yhin, siya ang may prerogative kung saang bansa niya gustong pumunta. Eh gusto niyang pumunta sa Universal Studios kaya Singapore ang pinili niya. Nag-demand pa nga siya ng tickets para doon pero binatukan lang siya ni Raj.
"Ayan, makipagpustahan ka pa ulit, ha?" asar ko sa kanya as I tapped his shoulder.
"Bwisit ka talagang babae ka!"
I stuck out my tongue at him. "Maging masaya ka nalang para kay Lands."
"Sino bang nagsabing hindi ako masaya para sa kanya at pasasabugin ko na?! Malungkot lang ako dahil mauubusan ako ng pera, gaga!"
"Jusme, 'yang yaman mong yan pa ba ang mauubusan ng pera? Keribels na iyan. Isipin mo nalang, opportunity cost 'yan," I told him with a wink and he slapped my forehead. "Aray! Masakit!" reklamo ko at tinampal 'yung kamay niya.
"Malamang! Eh, 'di maloka ka kung hindi ka nasaktan. Ibig sabihin may mali sa receptors mo. Jusme, top eight sa boards exam, hindi alam?" he answered eying at me and I slapped his right cheek as we laughed.
"Hayup ka!"
"Tama na nga 'yan, kumain na kayo," awat ni Lands sa amin at sumunod naman kami.
"Ano na palang progress sa wedding preparations?" I excitedly asked at sinimulan nang lantakan 'yung fish and chips. Inaantay namin 'yung kakaorder lang namin na beer. "Nakapili na kayo ng date?"
Tumango si Lands. "April 14," he said as he started eating, too.
"Bakit mo na 'yan kinakain, eh, hindi pa dumadating 'yung beer natin?" tanong ni Raj but I just shrugged my shoulders as I continued eating.
"My gosh! Next year na!" I answered biting my fork.
"Hindi, teh. Sa susunod na siglo pa," epal ni Raj sa akin. Ang bitter talaga nito.