24

2.5K 80 25
                                    

Friday. Nagkayayaang mag-dinner ang mga officemates ko. Okay lang naman sa’kin so gora naman ako. We decided to try this newly opened Japanese restaurant just across our building. Sakto namang nagke-crave ako ng Ramen.

Ka-text ko si Marco ngayon. Bored daw siya sa office. Hindi pa siya makauwi dahil may inaantay siyang matapos na report, kausapin ko daw muna siya kasi inaantok na siya. Kawawa naman.

“Dhae, kain ka muna bago ka mag-text diyan.” Napalingon ako kay Jewel at na-realize kong nasa harap ko na pala yung Ramen ko. Shocks! Got caught up with my phone, wala na akong pakialam sa mundo.

“Oh, sorry.” Inilapag ko yung phone ko sa may table tapos inilapit ko yung Ramen sa’kin at kinuha yung chopsticks.

Then I realized something. Kinuha ko ulit yung phone ko at nag-text sa kanya na kakain muna ako. Ay clingy. Kaasar!

“So girl, who’s the lucky guy?” Wendy started teasing. Nabulunan tuloy ako. Maanghang pa naman yung Ramen kaya sumabit talaga sa lalamunan ko. Masakit huh!

Inabot ko muna yung red iced tea ko at uminom. Kalurky!

“H-huh? What are you saying?” Medyo poker face kong tanong nung kumalma ako. Yumuko ako ulit at kumain. In fairness naman, masarap ang Ramen dito.

At in fairness naman sa pagiging denial queen ko huh, kabog!

“May dine-date ka, no?” Kulit pa rin ni Wendy. Hay naku.

“Grabe, wala ah!” I looked at them badly.

“Kaya ba kayo nag-aya ng dinner date para i-hot seat ako?! Jusme.” Mataray kong sabi. Nakaka-stress sila, huh.

Natawa naman silang dalawa.

“Medyo.” Sagot ni Irish.

I rolled my eyes. “Tigilan niyo ako.” 

“Obvious kasi sa’yo, eh.” Natatawang sabi ni Jewel sabay subo ng dumpling niya.

Na-suspend yung pag-landing ng noodles sa bibig ko dahil tinignan ko siya.

“Oo nga, girl. Look at you, ang blooming mo. Iba yung aura mo eh, sobrang radiant. Ganyan na ganyan ang aura ni Jewel nung bagong engaged siya.” Super turo pa si Wendy sa’kin gamit yung chopsticks niya. Ngiting-ngiti ang loka.

“Tapos girl, nakangiti ka lang lagi.” Lumipat naman ang tingin ko kay Jewel nung nagsalita siya. “Last time nga nung nasabihan ka ni Sir regarding sa delayed submission ng report mo, natawa ka lang. Hindi mo kasalanan yun dahil nag-down ang system natin, alam natin yan. Pero dati, dinidibdib mo lahat yan.”

Nakatitig pa rin ako sa kanila.  “So ‘pag ganyan, may dine-date agad? Hindi ba pwedeng nagbago lang ang outlook ko sa buhay? Or baka nagpalit ako ng sabon, ganyan. Or nagpa-derma ako.”

Nakangiting napa-iling yung dalawa. Ang weird lang nila.

“Ayan, tulad niyan, may ka-text ka lagi tapos nakangiti ka habang nakatitig ka sa phone mo. At uulitin namin, your aura is radiant. ‘Yang mata mo, nagniningning lagi. Akala mo ba hindi namin napapansin?” Push pa rin ni Jewel.

Hindi ako umimik. Tinaasan ko nlang sila ng kilay. Ang hirap mag-isip ng lusot, eh.

Nag-high five bigla yung dalawa while laughing.

“In case tama nga kami na you’re dating someone…” Wendy looked at me with her huge smile.

“Kahit medyo in denial ka sa’min.” Nakangiting singit ni Jewel.

“We just wanted you to know that we are so happy for you. Sana hanggang wedding bells na yan.” Nakangiti pa ring sabi ni Wendy.

I looked at them and let out a sigh. “Naku, ah. Push niyo yan.”

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon