47

1.9K 58 20
                                    

"Dhae, si Sir Jun nasa line one," Jewel announced as she peeped from her cubicle. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hi, Sir. Good afternoon," I greeted over the phone habang inaayos 'yung folders sa table ko.

"Ms. Dhae, are you going home now? Can you please have some documents delivered to Ms. Rhian today?"

Napakunot ako ng noo. Bakit ako? Kaso naaalala kong absent nga pala 'yung messenger namin ngayon. I sighed. Wala naman akong choice. "Ah, sure, Sir."

"Thank you. She's waiting for these. Pakidaanan nalang dito kay Ms. Lei."

"Okay, Sir."

Pagkaayos ko ng mga gamit ko, kasi uuwi na din kami dahil almost six na, pumunta ako kay Ms. Lei para kunin 'yung docs para kay Ms. Rhian. After that, I got my things na din para makauwi na. Friday jam pa naman ngayon, so good luck na lang kung anong oras ako makakarating ng Ayala Ave.

And yes, nahirapan nga ako. Seven thirty na ako nakarating. Nagmadali na akong pumuntang elevator para makarating kay Ms. Rhian kasi gutom na ako at inaantok din ako kasi ang aga kong nagising kaninang umaga. Gusto ko nang makauwi.

"Hi," nakangiti bati ko sa receptionist. "Pwede po kay Ms. Rhian?"

"Sa JSS po kayo, ma'am? Pasok nalang po kayo. Cubicle 16 po."

"Thank you," sagot ko and went in.

Medyo nagmadali akong naglakad papasok, kaso natigil ako nung nasa tapat ako ng second row ng cubicles. May mga nakatingin sa aking girls at bigla akong na-conscious kasi ang uncomfortable ng titig nila, lalo na nung nagbulungan sila. Pasimple kong tinignan 'yung sarili ko kasi baka may mali sa akin. Kaso na-realize kong okay naman itsura ko kasi bukod sa sobrang ganda ko, okay naman ang outfit ko. Since Friday naman, nakasuot lang ako ng sleeveless na collared denim long blouse, black leggings, tsaka wedge sandals.

Usually kasi, wala naman akong pakialam sa mga ganyan, pero epekto ata ng gutom, antok, at stress ko kaya ganito ako ngayon, madali maapektuhan ng mga bagay-bagay na hindi naman relevant.

Pa-simple akong lumingon ulit para hanapin sana si Ms. Nica kasi alam kong hindi ako pababayaan nun, kaso wala siya. Yumuko nalang ako and took a deep breath bago ako naglakad ulit.

Deadma, Dhae. Deadma. Keep going.

"Hi, Ms. Rhian. Pinapabigay po ni Sir Jun," I told her pagkalapit ko. Medyo pilit na nga 'yung ngiti ko kasi uncomfortable na talaga ako. Kinikilabutan ako kaya alam kong may mga nakatitig pa rin sa'kin.

"Uy, Ms. Dhae. Hi," she replied as she took the envelope I'm giving her. Binuksan niya 'yun and checked the docs. I just impatiently stood there. Uwing-uwi na ako.

"Okay na 'to, Ms. Dhae. Okay ka lang ba?"

Napalingon ako sa paligid unconsciously and na-gets niya ata 'yung reason ko. She glanced at them, too, and then she smiled at me as she stood up.

"Ms. Dhae," she called in a little louder voice at humila ng chair. Medyo nagsalubong 'yung kilay ko. "Upo ka muna. Antayin mo na si Sir Marco, paakyat na din 'yun. May kinausap lang siya sa 7th floor."

My eyes grew wide at the realization of what she's doing. Shocks, nakakahiya! Kaso hindi ako makapagsalita nang bongga kasi sobrang uncomfortable ko talaga ngayon.

Medyo kabado ako as I sat down for around two minutes para lang pagbigyan siya. Tumayo na din ako after.

"Uy, Ms, Rhian. Una na ako. Dinaan ko lang talaga 'yung docs."

"Hindi mo na aantayin si Sir Marco?"

Hindi na kasi magkikita din naman kami mamaya, I almost answered. Buti nalang nakapagpigil ako. "Ah, hindi na. Hindi din kasi niya alam na dadaan ako dito. Una na ako."

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon