Hangover plus puyat equals oversleeping.
Napahawak ako sa ulo ko when I felt this terrible headache. At nainggit din ang tiyan ko kaya sumakit din siya. Whoaaaah! Gutom na ako. Mostly alak pala laman ng tiyan ko. My gosh.
Kahit antok na antok na ako, pinilit kong bumangon para kumuha ng apple juice sa ref na nasa corner lang ng kwarto. Oh di ba, ang sosyal namin. May ref kami sa kwarto. Ayun na nga, eversince kasi, apple juice ang practical remedy ko sa hangover. Nilaklak ko na yung isang bote para masaya. Pagkaubos ko, bumalik ako sa kama ko para sumandal ng konti.
Masarap uminom ng alak, at ayos yung fun na kasama ng inuman, pero the worst ang hangover. Ever.
Pumikit ako para kahit pa’no kumalma naman yung sakit ng ulo ko.
Kinapa ko yung phone ko to check what time is it. Kahit halos nakapikit pa ako, pinilit kong silipin yung oras. Almost 5 PM na din pala, magsisimba pa ako.
Pero teka, pipikit muna ako saglit. Uggh hangover. Mamaya ko na iche-check yung mga messages ko. At my gosh lang, ang daming missed calls. Geez. Buti nalang I put it in silent mode before I sleep.
After a short while, bumangon na din ako para maligo. Medyo groggy pa ako pero pinilit ko na talaga. Nagugutom na din kasi ako.
Naligo na ako. Pero eversince, hindi ko talaga talent ang mabilisang ligo kaya inabot ako ng 30 minutes sa banyo. Binilisan ko nalang ang pagbibihis. Kelangan kong habulin yung 6PM mass. Sa Greenbelt nalang ako magsisimba, mas malapit. Dun na din ako kakain. Gosh gutom na talaga ako.
Pagdating sa Ayala Ave., nag-walkathon na ako. Ang layo pa kasi ng babaan eh. Buti na nga lang tuwing Sunday, pwede nang bumaba sa may tapat ng SGV na supposedly eh Loading zone lang, eh kung sa Unloading zone lang talaga sa may tapat ng Security Bank, mas mahaba-habang lakaran pa. Almost 6 PM na kaya itinodo ko na ang paglalakad ng mabilis. Pagdating ko sa chapel, saktong kakasimula palang. Umabot ako! Yahoo! Kaso, wala nang available na upuan, kaya tumayo nalang ako sa medyo likod na part. Okay na din, 1 hour lang naman, mamaya nalang ako uupo ng bongga pag kakain na.
Ang nag-preside ng mass, yung foreigner na pari na nakalimutan ko ang name. Whoah! Pero for some reasons, mahal ko tong paring to. Kapag kasi nagho-homily siya, may kurot sa puso. Kahit bonggang English, mafi-feel mo within your soul kung ano mang pino-point out niya.
After ng mass, dumiretso na ako sa food court ng Landmark para kumain. Overloaded Meal sa Greenwich ang kinain ko. Umorder din ako ng fries sa Mcdo. Wag kayong ano, gutom na gutom ako.
Pagkatapos kong kumain, naisipan kong i-check yung phone ko. 16 Missed Calls galing kay Eya, 5 from my mom. Walangya tong si Eya, dinaig ang nanay ko. Anmeron?
I decided to check my inbox. At aba, flooded din. Napangiwi ako sa dami ng messages nina Eya, Raj, Ciel, Yhin, at nung iba pang nag-text. Yung tatlo, nagtanong lang kung kamusta hangover ko at si Miguel daw. Jusme! Excited masyado. Pero hanep tong si Eya, blockbuster. Ang dami na ngang missed calls, ang dami pang messages. Seriously?
Dahil tinatamad akong magbasa, I called her nalang. First ring palang, sumagot na siya.