11

4.3K 90 22
                                    

Wednesday. Inis na inis ako. Basta inis na inis ako! As in nakasimangot, nakabusangot, at iritado pa ako.

“Uy, may badtrip ah.” I heard Sir Albert say. Kahit hindi ko nakikita, nai-imagine ko yung ngiti niya habang sinasabi niya yan. Nasa likod ko kasi siya. Narinig ko ding tumawa yung mga kasama namin.

“May absent kasi sir, eh. May nawalan ng inspirasyon ngayong araw.” Sagot naman ni Wendy.

Tahimik na lang ako sa pang-aasar nila. Nakatutok pa rin ako sa laptop ko. Deadmadels. Alam ko naman kasing ako ang subject ng asaran ngayon, lagi naman kasi. Hindi na kelangan ng assumption, defined na yan. Ako talaga, sure yan.

Eh masama bang ma-BV? Balance nga ‘di ba? At tsaka malay naman nila, badtrip lang talaga ako. Or PMS lang ‘to.

“Ms. Dhae, kalma. Isang araw lang naman.” Napalingon naman ako kay Jaira na nasa tabi ko na. She winked at me and then tumalikod na pagkakuha nung folder na nasa may tabi ng laptop ko.

I looked at them with my left eyebrow raised.

“Patay tayo diyan, tinaasan na tayo ng kilay.” Tawa sabay iling si Sir Albert. Tinignan ko lang din siya. Poker face lang.

“Magbiro ka na sa lasing at sa bagong gising, ‘wag lang sa taong absent sa office ang iniibig.” Nakita ko pang nag-high five sina Nica at Wendy after ng banat na yun.

“Ay Ms. Wendy, panalo yung banat mong yun.” Sagot naman ni Nica at humagalpak pa sila ng tawa.

Ako? Poker face pa rin, nakatitig sa kanila.

Sige lang guys, thanks for rubbing salt to my wound. Chos! Gumaganerns pa ako. Hindi naman ako affected sa absence niya ah. Bakit ba nila pinu-push ‘to?

Pero uggggggggh! Okay, charot ko lang. Naiinis talaga ako!

Hindi ko alam kung ba’t ako nainis nung nalaman kong kong hindi siya makakapasok ngayon. May meeting daw kasi silang Audit Managers  kasama yung mga Partners sa firm. Usually kasi, pagdating ko sa office, andun na siya or susunod lang sa’kin in a short while. Pero kanina, almost 10:00 AM na, wala pa rin ni anino niya. Everytime tuloy na bubukas yung door napapalingon ako, hopia na siya na yung papasok.

Almost lunch time na nung nag-start akong malungkot. Tahimik na lang ako sa gilid, nag-aayos ng papers para sa audit. Iimik lang pag may tanong sila.

Eto na nga, lunch time. Hindi ako sanay na wala yung katapat ko na ngumingisi pag nahuhuli kong nakatingin sa’kin. Although, nakakain ako nang maigi dahil hindi ako na-conscious, na-feel ko naman na parang may kulang.

Oh no, no, no, no! Oh my gosh! What is this? Hinahanap-hanap Kita ng Rivermaya na ba ang peg ko? Geez, this is so not happening. Ang clingy ko na sa crush ko. Yuck!

Pero… Sa pagkakaalam ko naman, discreet naman ang pagka-inis ko. Hindi ko alam kung nahalata talaga nila or napagtripan na naman ako ng mga ‘to. Kapag maganda talaga, pansinin. Tsssssss.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon