“May audit findings na ba?” Rinig kong tanong ni Jewel sa’kin. Dahil masyado akong focused sa ginagawa kong schedule ng payables, I became oblivious of the environment. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya at nakalapag na sa table ko yung files na hinihingi ko.
I looked at her. “Huh? Ah, wala pa eh.” I answered with a shrug at binalik ko na naman sa laptop yung focus ko.
“So ano na, nagparamdam na ba sa’yo si sir Marco?” Excited na tanong niya. Natigilan ako for a while at nung nakabawi ako, napasimangot na lang ako.
“Hindi.” Matipid kong sagot. Of course with my eyes still fixated on my laptop.
ODK! Pwede ko kayang pektusan sa kidney ‘tong babaeng ‘to? Kitang nagmo-move on ako eh.
Natawa naman siya. “Pa’no ba yan, move on na talaga? Okay lang yan, girl. May darating pa.” She patted my shoulder and walked away.
Napalingon tuloy ako sa kanya and sinundan siya ng tingin until she sat down on her chair. Grabe, she’s really glowing. Eh ‘di siya na ang inlababo, siya na ang engaged.
Hindi naman ako bitter so I shrugged na lang and continued with what I’m doing. Need to finish this ASAP kasi hinihingi na sa HO.
Around 3PM, dumating yung messenger namin dala yung pinabili naming food sa Amber’s. Nag-crave kasi kami bigla kaninang after lunch.
We took a break muna at kumain. Pinapak ko yung pichi-pichi, dabest kasi talaga ‘to. Sinolo ko nga yung isang container.
“Kita mo ‘tong si Dhae, binubuhos sa pagkain yung frustration niya kay sir Marco.” Na-suspend sa ere yung pagsubo ko at tinignan ng masama si Wendy. Tumawa naman siya.
“Kapag kumakain ng bongga, frustrated agad? At kay sir Marco talaga? Mga pakulo mo ah, gutom lang ako.” Nakasimangot kong sagot at isinubo na yung nasa kamay kong pichi-pichi. Natawa naman silang lahat. Kainis!
Bakit ba todo paalala mga ‘to sa kanya? Kailangan laging sinisingit sa usapan? Heller? May nagmo-move on dito.
Hanep talaga! Hindi naman naging kami, crush ko lang siya, but here I am trying so hard to get him out of my system.
“Pero yung tweet mo kagabi, “How can I move on when I’m still in “crush” with you? Ah, okay.” She made this imaginary quote-unquote sign with her fingers and grinned at me. It made me turn red.
“Ibo-block na kita sa twitter.” Sagot ko and sumubo na naman ng pagkain. Tumawa naman silang lahat. Eh ‘di sila na ang masaya. Ako na ang miserable. Ako na ang sawi. Ako na ang nawalan ng source ng kilig. Ako na ang maganda. Palipad hair.
After kumain, syempre back to work na naman. Kasalukuyan akong nagse-send ng email sa HO ng report nung tinawag ako ni Irish.
“Dhae, punta ka daw sa office ni sir Jun.”