42

2.2K 58 12
                                    

“Hoy, girl! Kamusta ang Coron?” Jewel asked as she put down her bank reconciliation report on my table. Hiningi ko kasi kailangan ko sa presentation ng Cash in Bank. “Ang cute ng mga pictures niyo, ang kulit,” she added.

I grinned at her. “Ay grabe, ang ganda dun, girl. Kinabog ang Boracay feels ko. Nganga talaga kami doon sa ganda. Punta din kayo dun.”

My gosh, seryoso, nganga talaga kaming lahat sa ganda. ‘Yung mga nakikita sa photos? Walang wala pa ‘yun kapag naandun ka na mismo. My gosh! Sobrang ganda. Paradise talaga. Ay, OA na ako. Pero kasi! Okay lang na naubos ‘yung pera ko dun, sobrang worth it. Sa sobrang in awe namin, mas marami pa ‘yung oras na naubos namin sa photo op kesa sa pagstay talaga sa tubig. Sobrang excited namin kasi nga first time namin dun. Well, okay, except Marco dahil ilang beses na siyang nakapunta dun. Siya na nga naging guide namin, eh. Alam niya ‘yung mga convenient ways para makarating sa mga destinations namin. Nakakaloka, siya na talaga!

“Pasalubong namin?” Irish asked and I just laughed at her as I pulled out some things on my bag.

Inabutan ko sila ng ref magnets kasi ‘yun ‘yung gusto nila. “Oh, ayan. Pili na kayo ng bet niyo. ‘Yung matitira, ibibigay ko kina Sir Jun at Ms. Dhes,” I told them with a smile.

Bumalik na din kami sa kanya-kanya naming mga trabaho after nila magkagulo sa pamimili ng magnets. Back to reality na naman kasi, tapos na ang vacation. Next week ulit. Chos! Nangiti ako kasi bigla akong na-excite for next week. Ano ba ‘to! Hindi dapat ako ganito. Todo pa naman ang pag-iinarte ko nung sinabi niya sa’kin ‘yung tungkol sa Japan trip tapos ako ‘tong sobrang excited ngayon. Hindi ito maari. Charot!

Hay nako, back to work na nga. Medyo ngarag ako ngayon kasi may inaayos akong files para hindi na ako masyadong ma-stress sa month-end report ko. Kailangan ko din kasing ipasa ‘yun ahead of time kasi I’ll be on leave na on the deadline’s date. I blinked a few times and concentrated on what I’m doing. Almost two hours of seriousness into our laptops, Wendy started laughing a little loud at her area. We all glanced at her.

“Anong meron?” Irish asked with a frown.

Wendy laughed again. “Check your company emails, girls.”

We all turned away to do what she said. Okay, ano na namang kagagahan nito? Baka may na-send na naman siyang article chuchu about sa kung anu-ano. Ganyan kasi ‘yang babaeng ‘yan. Kapag may nakikitang eklavu sa internet, sine-share sa’min. Natawa na din ako as soon as I saw the most recent item on my inbox. Nagkatinginan kami ni Wendy at sabay na naman kaming tumawa. Sumimangot naman sina Jewel at Irish.

“Your turn, girls,” Wendy told them with a grin.

Rhian, the auditor-in-charge, just sent an email regarding the audit requirements for this year. Kinilig nga ako nung nakita ko ‘yung pangalan ni Marco sa lower part ng letter, siya kasi ‘yung audit manager so ayun. Boyfriend ko ‘yan! Boyfriend ko ‘yan! I thought to myself with a giggle.

I blew a lot of air to calm down, stretched my hands up, and smiled. “Wends,” I called. “Chill lang tayo ngayon.”

“Correct, girl!” She answered laughing.

Kalmado lang talaga kami ngayon, ligtas kasi kami. Dahil kami ang in charge last year, Sir Jun made a compromise na sina Jewel at Irish naman ngayon. Ang sabi ni Marco sa’kin, next week na ang start ng audit so one week lang ‘yung preparation ng requirements. Nakakalurky nga ‘yun, nalungkot siya nung sinabi kong hindi ako involved sa audit this year. Na-excite pa naman daw siya kasi siya ulit ang may hawak ng account namin. Consolation nalang namin ‘yung makakapagkita na kami ng weekdays.

Naks! May ganong kaartehan kami sa buhay, para namang hindi kami magkasama kapag weekends at may “makakapagkita tayo ng weekdays” kaming drama.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon