Since late na, we decided na bukas na lang mag-start. Anong oras na din naman kasi sila dumating. Hindi naman pwedeng i-push ang audit ngayon. Aba, malapit na ang uwian. Time conscious ako. Char!
All the while, hindi ako masiyadong umiimik. Umurong ata yung dila ko. Usually ‘pag ganito, Best in Verbal Communication ako. Pero this time, nagsasalita lang ako kapag may tinatanong sila sa’kin. At take note, puro pa “Oo”, “Hindi”, “Ata” ang mga sagot ko. Pinoy henyo lang ang peg ko ngayon.
Oh di ba? Akala mo, makatutulong sa ikauunlad ng Pilipinas ang pagtitipid ko ng sagot.
At in all fairness, takang-taka sina Wendy at Sir Jun ngayon kasi tahimik ako. At himala daw dahil hindi ako mataray today. Himala talaga? Hindi pwedeng, trip-trip lang to?
Eh jusme naman kasi! Nakakainis naman kasi “siya”! Hindi ako makakakibo masyado kasi andiyan siya. Naloloka ako eh. And OMG, nako-conscious ako shet! Ayoko nang mapanganga ulit ng ganun no. Nakakahiya kaya!
At eto pa ang nakaka-imbey, my gosh! Imagine, eight times ko siyang nahuling nakatingin sakin. EIGHT TIMES! EIGHT FREAKING TIMES! Hindi pa counted dun yung first encounter huh, I mean, yung first titigan namin. Oh di ba, ang taray, nabilang ko yun. OMG! Gusto kong isipin na----
Erase erase erase! Hindi yan Wag assumera.
Nagpaalam na kami pagdating ng 5:30. Siyempre uwian na. Nauna na akong lumabas ng pinto. Sumunod naman agad si Wendy.
“Anyare sa’yo, girl? May sakit ka ba? Namumutla ka.” Concerned na tanong niya sa’kin. Kinapa niya pa yung noo ko.
I forced a smile. “Huh? Okay lang ako.” Pero hindi. Hindi talaga. Kanina ko pa kasi nafi-feel na parang nilalagnat ako. My gosh! What’s with me today?
“Sure ka huh?” Tumango na lang ako para matigil na siya. Naglakad na kami ulit.
Maya-maya, bigla siyang napatigil. Nagtaka naman ako. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nagniningning yung mga mata niya habang nakatingin sa’kin.
“Dhae, magkakilala ba kayo nung audit manager natin? Siya ba yung ex mo?” Huh? Nalurky naman ako sa tanong niya. Ano daw?
When it finally sank in, nanlaki na naman mga mata ko. “Anong sinasabi mo? Hindi kami magkakilala! Issue ka, girl!” Nakakaloka ang mga ganap ngayong araw! ODK! Naglakad na ulit ako. Sumunod naman siya agad. Akala ko naman okay na.
“’Di ba CPA din yung ex mo? Tsaka… Eh kasi, yung reactions niyong dalawa. Parehas kayong nagulat when you saw each other. Tapos grabe girl, tingin siya ng tingin sa’yo.” Kinikilig pa ang bruha. Hala.
I shrugged. “Wala lang yun. Baka nagandahan lang sa’kin. You know naman, benta talaga ang kagandahan ko.” I grinned at her. Natawa na din siya.
“Gaga ka talaga. Pero girl, kung walang girlfriend yun, akitin mo ha? Bibigay naman yun sa bitag mo if ever.” Ay bright idea! Nag-high five kami sabay tawa.