*Guys! Hi! Hahaha. May photoset ulit 'to. Naaliw kasi ako sa paggawa. Huhuhu!
http://yeppeodiane.tumblr.com/post/119526247843
http://yeppeodiane.tumblr.com/post/119526541533
Sana matuwa ulit kayo. Hahahaha!*
Bastos talaga 'to, I thought as I laughed out loud. Nauntog pa ako sa headboard ng bed sa sobrang galaw ko. I covered my mouth immediately when Marco looked at me. Nag-aayos siya ng table niya kasi matutulog na kami.
"Bakit ka tumatawa diyan?"
"Sorry," I mumbled as I raised my fingers for a peace sign.
"Anong nangyari?" He asked at tinabihan ako. Umusog ako para makahiga na din siya.
"Si Raj kasi," I answered habang pinapaunan niya ako sa may braso niya.
Natawa siya agad. "Ano na namang kalokohan ang ginawa niyong dalawa?"
"Ay grabe! Napaka-judgmental mo, ano? Kapag kami ni Raj, kalokohan kaagad?"
"Oo," he replied and I hit his arm with my phone.
"Aray," he said with a laugh and hugged me. "Ano ngang tinatawanan mo?"
"Tignan mo 'tong message ni Raj," I told him and showed him our convo. Tumawa siya agad. "Grabe talaga kayong dalawa. Buti natitiis ni Lands 'yang kabaliwan niyo, ano?"
"Moderator namin si Lands, siya ang kalmado sa amin, eh," I remarked laughing and he smiled. "Ikaw kasi, makapag-post ka sa FB."
"Ikaw kaya ang nag-comment," he answered with a laugh and I glared at him.
"Ehhhhhhhh..."
"So, excited ka for February?"
I nodded profusely and grinned at him. "Supeeeeeeer! Mag-Irish pub tayo, huh?"
He laughed. "Ikaw talaga."
"Seryoso kasi ako, Baby. Push natin, huh? Gusto ko ng Irish whiskey straight from the jar! Nasa bucket list ko 'yun. Tsaka masarap daw ang beer nila doon." He laughed as he looked at me. "Nako, gandang-ganda ka na naman sa akin! Basta itodo natin ang pag-kembot sa Ireland. Minsan lang 'to. Shocks, I'm crossing off one item from my list."
"Are we going to have an initial itinerary plan now?"
"Ay, wait. I-process muna natin Visa ko para pak na pak na."
He smiled. "Don't worry about that. Ako na bahala do'n."
"Naks, kapag yayamanin talaga, daming connections, 'no?"
"Yayamanin," he repeated as he laughed again. "Ilang terms pa ba ang meron ka?"
"Ay nako, last na muna 'yan. Mag-iisip muna ako at medyo nauubusan ako. RK, Yamings, bourgeois, yayamanin... to follow 'yung iba."
He cracked up again as he hugged me. "You are such a stress-reliever. What am I gonna do without you? Dapat ata ako ang kumakanta ng Bright sa'yo, eh."
"Plangak 'yan! Kaya 'wag mo akong pakawalan." I laughed, too, as I hugged him tight.
"Wala naman akong balak."
"Nako, sandali! Kinilig ako!" I stated with a laugh. "Matulog na tayo at baka hindi na naman tayo magising nang maaga. 10AM ang lapag nina Kuya bukas dito sa Manila."