22

2.7K 71 13
                                    

“Hello?” Mahinang sagot ni Kuya Da. May kasama pang hikab.

“Kuya! Ay ouch!” Sigaw ko. Nailayo ko yung phone sa tenga ko kasi biglang may narinig akong malakas na kalabog. Ang sakit lang sa tenga.

“Dhae! Anong nangyari sa’yo? Ba’t ka sumisigaw diyan? Okay ka lang ba? Uy sumagot ka!”  Aligaga niyang litanya. Ay kaloka naman ang shopatid kes.

“Kuya Da, chill. Did you just drop your phone? Okay lang ako. Walang nangyaring masama sa’kin. Kalma.” Natatawa kong sagot.

Napasipol siya. “Walanghiya ka. Tatawag ka ng madaling araw tapos bigla kang sisigaw. Sinong makakakalma sa ganito, ha?” Napangiwi ako sa lakas ng boses ng kuya ko. Ka-stress. Napasilip ako sa wall clock, magaalas-singko pa lang nga pala ng umaga. Ay sorry na.

“Magkapatid talaga tayo eh no? Pareho tayong exage eh.” Natatawa kong sagot. At may gana pa talaga akong tumawa.

“Oh ano ngang problema mo at tumatawag ka sa alanganing oras? Ang sarap ng tulog ko eh. Siguraduhin mong maayos yang rason mo kundi hindi ka makakatapak dito sa bahay nang hindi ka nababatukan.” Ay pinagbantaan ako?

Nag-adjust ako ng ayos sa bed. Bumangon ako ng konti para sumandal sa may wall. Tumawa nalang ako before I let out a sigh.

“Oh ang lalim ng hugot niyan ah.” Kuya said while laughing.

“Kuya… He said he likes me.”

“Sino?”

“Si Marco, Kuya.”

Natawa na naman siya. “Oh eh ‘di ba gusto mo din naman siya? Anong problema mo? Reciprocated na ang feelings mo, ayos yan.”

Kainis talaga ‘tong si Kuya Da. “Eeeeeeeehhhhhhh! I don’t know. I like him too, you know that. Kaso…”

“Kaso ano?”

“I don’t know. Medyo awkward kasi. Nagulat ako kanina. That was… uhmm okay, unexpected.” I blew my bangs and pouted for a short while.

“Oh, anong inaarte mo? Nung kay Tristan naman halos gumulong ka sa saya.” Kelangan si Tristan talaga ang basis? Napasimangot ako.

“Kuya naman, iba naman yun. Bagets pa ako nun. ‘Ya know, nasa peak ng kilig hormones.”

“Tapos ngayon, adult ka na, gano’n? Sus, arte mo talaga.”

Napasimangot na naman ako. “Kuya, he told me that kaninang hinatid niya ako, almost 3AM na yun. You know, nothing good happens after 2AM. Plus medyo may alcohol sa katawan namin, kaya doubtful talaga. ‘Ya know naman, ungodly hour plus alcohol is a fatal combi!”

“Naku ka Dhae, ayan ka na naman sa 2AM Theory mo na yan.”

“Naman kuya! How I Met Your Mother attachment ‘to!”

Sabi kasi ni Ted Mosby, “When it’s after 2AM, just go to sleep. Because the decisions you make after 2AM are the wrong decisions.”

But wait, who made the wrong decision? Me, for running away? Or him, for dropping that bomb? Tangina.

“Alam mo ikaw, ang hilig mong magbigay ng sarili mong rason sa mga bagay-bagay. Batukan kaya kita?” Naman! Nai-imagine ko ang pagkakasalubong ng mga kilay ng kuya ko habang sinasabi niya yan sa’kin. Pero siyempre hindi papakabog ang kagandahan ko.

“Hey brother dear, I’m just being cautious, there’s nothing wrong with that. At least, nagse-set na ako mismo sa sarili ko ng boundaries na hindi dapat i-cross para hindi ako masaktan. That’s actually a brilliant idea.”

“Ang hilig mo mangsupalpal eh no? Pati sarili mo sinusupalpal mo. Sana minsan pagbigyan mo din ang sarili mong sumunod sa agos, yung walang halong takot.”

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon