23

2.9K 71 35
                                    

The days went by a li’l bit fast. Two weeks ago, we both agreed to hang out more and take things slowly. One step at a time.

Okay naman ang mga ganap. Every Sunday, sabay kaming nagsisimba at magdi-dinner tapos tamang tambay lang. Yun lang kasi yung day namin together. Kapag Fridays kasi, medyo busy pa siya sa work. Nago-OT pa yun, busy season pa rin kasi nila ngayon. ‘Pag Saturday naman, alam na, tulog ako maghapon so hindi niya ako inaaya, na kinatuwa ko naman kasi it means hindi disturbed ang “me time” ko. Chine-check niya nalang at night kung what time ako nagising at kung kumain na ba ako. Somehow, ginagamit niya na rin yung time na yun to finish his pending works. Kaya ‘pag Sunday, wala na kaming masyadong problema. Ayoko din namang kasing ma-sacrifice yung mga careers namin. Siyempre, may priorities pa rin kami pareho.

Hanging out. Shocks! Kinikilig talaga ako sa thought na ‘to. Grabe! Parang kailan lang crush na crush ko pa siya during our audit engagement with them, tapos ngayon, ‘eto na, lumalabas-labas na kami. Hindi nalang limited sa break time ang random convo namin. Shetengeners, kinikilig talaga ako!

Sunday ngayon, so alam na, may lakad ulit kami. Napilitan akong bumangon ng maaga dahil before lunch daw kami magma-mass. Ginising nga ako niyan kanina. Jusme tinawagan ako around 8 AM na binabaan ko agad ng phone after 10 seconds dahil antok na antok pa ako. Hindi naman siya masyadong excited. Hindi ko nga alam kung anong trip niya sa buhay ngayon. Pagbigyan nalang natin.

Nagsimba muna kami sa Greenbelt Chapel. Dumaan kami ng coffee sa Starbucks after, hindi pa kasi ako nagbe-breakfast. Binilhan din niya ako ng half-dozen na J.Co Donuts. 4/6 nun eh Oreology dahil favorite ko yun. At eto pa, may baon pa siyang Oreo Cookies na super kinatuwa ko. After nun, sumakay na ulit kami sa car niya to go somewhere.

“Marco! Huy! Where are we going?” Kinalabit ko pa siya para pansinin ako. Nasa may Magallanes kami ngayon.

He just smiled.

“Hoy! Kung ki-kidnap-in mo ako, sinasabi ko sa’yo, walang pang-ransom ang mga magulang ko. Kahit pagsama-samahin mo pa mga sahod ng mga kaibigan ko, hindi pa rin keri. Tsaka mas mayaman ka sa’kin, may sariling kotse ka na, Audi pa, tapos may sarili ka na ding condo tapos---“

Natigilan ako kasi I heard him laugh. Hawak-hawak niya yung tiyan niya at singkit na singkit na yung mga mata niya sa kakatawa niya. Medyo nag-slow down din yung takbo namin. Hindi na din nakapagpigil ang loko, biglang lumakas ang tawa niya. My eyes shot him daggers!

“Ba’t ka tumatawa diyan?” Hinampas ko siya sa braso. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya.

Tawa pa rin siya ng tawa. “Ang benta mo kasi. Hindi kita ki-kidnap-in, may pupuntahan lang tayo.” Hingal na hingal na sagot niya sa’kin.

“Aba, anong malay ko? Ayaw mo kasing sabihin, eh.” I crossed my arms and raised my eyebrows.

“Kalma lang kasi.” Natatawa pa rin siya. Nakatakip pa yung likod ng kamay niya sa may bibig niya.

“Kainis ka!” Hinampas ko ulit siya sa braso, crossed my arms, at sumimangot. Oh ‘di ba? Nakapag-inarte na ako, naka-tsansing pa ako.

“Ouch!” Sinamaan ko siya ng tingin because he suddenly pinched my cheeks. Nagtaka pa ako kung  pa’no niya yun nagawa eh nagda-drive siya. Ayun pala, red light. Ako na, ako na ang oblivious sa paligid.

“’Wag ka ngang sumimangot. You look prettier when you’re smiling.” Nakangiti niyang sabi.

I blushed. Alam ko namang pick-up line talaga ng guys yan, but why am I still kinikilig with this? Iba talaga ang power ng phrase na yan. Of course, sinong girl ang hindi matutuwa ‘pag sinabihan ka ng ganyan? Iba ang feels when the guy you like finds you pretty.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon