13

3.6K 91 19
                                    

“Bakit hindi ka nag-work sa audit firm? Nasa top 10 ka pala sa board exams, for sure pinag-agawan ka ng audit firms niyan.” Out of the blue question niya. Stuck pa rin kami sa Kalayaan Ave., thirty minutes na. Past 7:00 PM na din.

Okay, medyo nagulat ako sa tanong niya. Napalingon tuloy ako sa kanya. How did he know?

“Huh? How did you know?” Nakakunot-noo kong tanong. He answered me with a smile.

“Actually sir, nag-offer talaga po yung big four sa’kin dati, kaso medyo ayoko pong mag-audit that time eh. Ibang klase kasi stress dun.”

That’s actually one of the reasons. The major one? Well, I felt that I was not yet ready to handle auditing. Although super ganda ng training dun tsaka ayos sa resume sana, ayokong isalang ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko pa talaga kayang gawin. Pangit naman kung hindi mo maibibigay yung sarili mo nang 100%. You won’t perform well, trust me. And yun ang ayokong mangyari, yung hindi ka makaall-out sa ginagawa mo.

Okay here’s a fact, sa lahat ng pinag-aralan namin nung college, sa auditing ako sobrang nag-enjoy. Favorite ko pa nga eh. It’s just ironic na yung favorite kong pag-aralan nun, hindi yun ang pinili kong concentration ng career ko ngayon. Siguro may immaturity pa ako, hindi ko pa masyadong mapag-meet yung perspective ko sa theoretical at application aspects nun.

“Nabanggit lang ni Sir Jun nun. Pero sabagay, lalo na pag ganitong busy season, stress talaga. Pero kaya naman.” Sagot niya naman. “Pero may balak ka naman mag-audit no?”

“Meron naman po sir. Sarili ko lang naman po problema ko ngayon, ayusin ko lang po muna yung mindset ko.”

Saktong red light na naman, so nilingon niya naman ako with the “Huh?” look on his face. Natawa naman ako.

“Feeling ko po kasi hindi pa ako ready for that. Ayoko naman pong sumabak sa giyera nang hindi prepared. That would be the worst thing ever, pursuing something you’re not actually prepared of. It will destroy you. So I chose to take the first step of the ladder, sa accounting muna ako. Pag okay na ako sa knowledge ko dito, pwede na ako maglevel-up. One step at the time.”  I smiled at him. Wait, did I explain myself well?

He smiled back. “Ang hirap talaga kalaban ng sarili no? Well, you’re brave enough to acknowledge na sarili mo nga yung barrier mismo. Kung sa ibang tao yan, hindi nila matatanggap na sila mismo yung may mali, they won’t hurt their egos. Hahanap pa sila ng ibang rason. Titingin pa sa paligid para mabigyan ng justice yung decisions nila, but you saw your reason immediately, and you’re actually making ways to wipe that out.”

Napangiti naman ako. Ngayon lang kami nag-usap ng ganito. Sa office kasi, puro about audit lang ang usapan namin tapos hindi din ako pumapatol sa pang-aasar nila. Bakit feeling ko, sobrang touched ako sa sinabi niya? The way he said it, parang I really made the right choice. Although nobody does have the right to say that my decision was wrong because that was MY choice, why am I feeling like what he said actually boosted me?

Man, he knows his way through words.

Naman! Quota na ako sa ngiti ngayong araw. Eh kasi naman, kangiti-ngiti naman talaga ang mga ganap. Ang saya ko lang!

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon