Kabanata 1

9.8K 268 108
                                        

"Yah. It's really funny talaga diba? Then he made a lungkot face pa--oh, wait girl. Hold on! My mom was here." binaba ni Jazmine ang telepono para harapin ang kanyang Mommy.

"Yazzy baby. How are you?" bungad niya dito

"I'm okay naman Mom and please stop me calling me baby, i'm 23 na kaya! Why are you here nga pala sa house? I thought you're still outside the country pa para sa business convention. And do you have a new bag for me ba?" masayang salubong niya sa Mommy niya at yumakap pa.

"Ofcourse, i have a new bag for you baby. I bought it in London. A limited edition designer bag!" sa sinabi ng kanyang Mommy ay tuwang tuwa naman si Jazmine.

Agad na pinakuha ni Ginang Shiella ang bag sa kanyang body guard.
Nang matanggap ito ni Jazmine ay agad nyang binuksan ang bag para matignan.

"OMG Mom! It's so pretty! I saw this kahapon sa magazine. I can't believe that i have one na!" pangiti ngiti lang ang ginang habang pinagmamasdan ang anak.

"ahm. Baby, can i have a favor to you."

"Sure Mom! What is it ba?" hinila ng ginang si Jazmine paupo sa malambot, maganda at mamahalin nilang imported na sofa.

"Our Company was in trouble and the only way to survive it is to merge with  Montori."

"And? What do I have to do with that?" balewalang tanong nito habang  busy pa rin sa kanyang bagong bag.

"Well, you should marry one of their son for the company merge." marahas na napalingon si Jazmine sa kanya ina dahil sa narinig.

"What?! No freaking way! I will not kasal with a stranger, Mom! That's kabaliwan!" tutol nito sa ina na magsasalita pa sana ngunit naglakad na siya palayo dito.

"Yazzy! You're gonna met them soon to choose!" pabalibag lang na sinara ni Jazmine ang kulay pink na pinto ng kwarto niya.

"So nakakainis talaga si Mom! I can't even! Argh!" maktol nito sa kwarto niya.

Napagpasyahan nyang pumunta na lang sa Boracay kasama ang mga kaibigan niya para makapag-relax.

--

Kasalukoyan siyang nagbibilad sa sinag ng araw ng may biglang humarang dun.

"Ma'am Jasmin." tawag sa kanya ng lalaking naka-suot ng itim na suit sa gitna ng beach.

"It's Yazmin not Jasmin!" pagtatama niya dito sabay inirapan.

"Ma'am Yasmin. Pinapasundo na po kayo ng Daddy nyo samin."

"Who are they, Yaz?" maarteng tanong din ng mga kaibigan nya.

"Dad's Men." tipid na sagot nya dito "Tell to Daddy that i'm having my vacation pa here sa Boracay. What's his kailangan ba?" mataray na pahayag nito

"Kailangan daw po namin kayo isama para maipakilala na sa mga anak ng Montori."

"Are they really seryoso ba?!" di makapaniwalang pahayag nito. Simula ng sabihin sa kanya ng ina ang tungkol sa pagpapakasal ay limang araw na rin itong di nagpaparamdam sa kanya kaya akala niya ay hindi na ito itutuloy.

"Opo Ma'am. Sumama na lang po kayo samin." hindi pa man nakakasagot si Jazmine ay hinawakan na siya sa magkabilang braso ng mga tauhan ng Daddy niya.

"OMG! This ain't happening. It's so nakakahiya. Don't lay your dirty hand on mine! You're so kadiri and nakakainis!" nagpupumiglas na sagot nito pero parang walang narinig ang mga lalaki at pwersahan na siya isinakay sa kotse.

Inabutan siya ng mga damit nito para makapagbihis. Nang makabihis siya ay inabutan siya ng folder.

"Subukan nyo po itong tignan Ma'am habang papunta tayo sa airport. Baka sakaling magustohan nyo ang isa sa anak ng Montori." tinanggap naman ito ni Jazmine at binuklat ang folder.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon