"I'll sleep na lang here sa cottage namin ni AC. I mean, i'll sleep here in our cottage." paalam ni Jazmine dahil gusto daw ni Karita makatabi sa pagtulog si AC.
Nasa cottage sila na nirent ni Jazmine para kumuha ng ilan sa mga gamit ni AC.
"Ha? Why? You can sleep in our home. Wag kang mag-alala, malaki ang kama ko. Hindi tayo magsisisiksikan." sagot ni Karita na inaamoy amoy ang ulo ni AC habang karga karga ito.
Simula kanina ay hindi na siya humiwalay sa mag-ina niya.
"Mommy, i can't tulog without you." ungot pa ni AC kay Jazmine.
"Baby, i'll make you a milk na lang. Then you sleep with Mommy Karita. Okay?" pangungumbinsi sa kanya ni Jazmine pero umiling iling ang bata habang nakanguso.
"Ako na magtitimpla ng gatas niya, Yaz." pagboluntaryo ni Karita.
"Okay. I'll give an instruction na lang. AC is quite sensitive kasi. She don't want too much milk powder, magtatae siya. She don't want less milk powder din because she feels it's taste less. And sorry if i talk conyo pa rin sometimes. I really can't stop it." mahabang pahayag ni Jazmine.
"Ha? No. It's okay, Palangga. Don't feel sorry." nakangiting pahayag ni Karita. "If you want i can talk conyo na rin hehe" dugtong pa niya.
Jazmine look at her in disbelief.
"It doesn't suit you." tipid na sagot niya.
"Yah. Because you suit me better." banat ni Karita dito.
Jazmine being Jazmine, she can't help herself from smiling and it caught by Karita's eyes.
"Yieh. Kinilig palangga ko. Okay lang yan. I-ngiti mo lang palangga baka mautot ka nyan. Hahaha" tudyo sa kanya ni Karita.
"I'm not smiling! You're so epal!" kinikilig pa ring turan nito pero tumalikod na kay Karita at inabala ang sarili sa pag-aayos ng gamit ni AC.
"Your Mommy is kinikilig to me." kausap ni Karita kay AC.
"Stop saying lie to AC." hindi nalingong pahayag niya.
"It's not a lie. Right baby?" giit nito.
"Sshh.. Come here na lang. I'll instruct you." utos nya kay Karita na nakangiting lumapit sa kanya.
"The water level was just here then 2 scoop of milk powder." paliwanag ni Jazmine pero nakatitig lang sa kanya si Karita. "Hey! Are you listening?" pagsusungit nito.
"No. Ahm. Yazmin, dun ka na lang matulog sa bahay tapos dun mo ko turuan. Hehe" pangungulit nito at bumulong pa kay AC.
"Please Mommy." gatong ni AC
"AC.." mahinang tawag ni Jazmine dito but AC just made a puppy eyes and pleading hands.
Napabuntong hininga si Jazmine bago marahang tumango.
"Yehey!" masayang bulalas ni AC. Nagtaas baba naman ng kilay si Karita sa kanya.
Napangiti si Jazmine na makitang masaya si AC kasama ang kanyang Mommy Karita. She really felt really happy.
Pagkatapos niya mahanda lahat ng gamit nila ni AC ay sumama na siya kay Karita.
Nakasunod lang siya sa dalawa habang naglalakad na agad napansin ni Karita.
Huminto ito at humarap sa kanya."Palangga, dito ka sa tabi ko para muka tayong happy family." masayang turan niya.
"We'll just look like siblings." kontra ni Jazmine.
Nilipat ni Karita sa isang kamay si AC at mabilis na kinuha ang kamay ni Jazmine. Binabawi niya iyon sa pagkakahawak ni Karita pero di hamak na mas malakas ito sa kanya.

BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...