Naging masaya ang pagsasama ni Karita at Jazmine. Bumuo sila ng sariling mundo sa isla kasama ang mga kapatid ni Karita.
Naging magkatuwang sila sa lahat ng gawaing bahay pero hindi mo matatawag na relasyon ang isang pagsasama kung walang magiging problema.
"You're so nakakainis!!" pabalabag na sinara ni Jazmine ang pinto ng kwarto nila ni Karita.
"Nakakahiya kasi kila Kuting, Palangga." mahinahong paliwanag ni Karita dito.
"What's wrong ba kung ikiss kita sa harap nila? They know naman na tayo at nagmamahalan tayo. Pwera na lang if you don't really love me talaga kasi kinakahiya mo ko!" napabuntong hininga naman si Karita sa inaasta nito.
"Bakit ba lagi mo na lang tinatanong pagmamahal ko sayo? May magawa lang akong hindi umayon sa kagustohan mo pakiramdam mo hindi na kita mahal. Bawas bawasan mo naman pagiging isip bata mo. Hindi porket pinalaki ka sa layaw ng magulang mo ay ganyan ka na rin sa akin. Hindi ako ang magulang mo." pikong pahayag ni Karita.
Mabilis namang namuo ang luha sa mata ni Jazmine.
"Why do you need to pagalit at me in front of them? I'm napahiya kaya!" umiiyak ng saad nito.
Lalong naiirita si Karita dahil sa pag-iyak nito. Ayaw na ayaw nyang umiiyak si Jazmine na akala mo ay inapi niya.
"Bakit kasi kailangan mo kong halikan sa harapan nila?!" bulyaw na nito.
"It was just a smack para sweet! And for them to know how much we love each other." humihikbi pa ring paliwanag nito.
"Alam na nila kung gaano mo ko kamahal at kung gaano kita kamahal. Wala ka ng dapat pa patunayan." naiinis pa ring pahayag nito.
"But i want to show to them wala namang masama dun!" angil nito
"Sakit nyo talagang mga taga-Manila yan nuh? Kailangan lahat ng kibot nyo alam ng tao sa paligid nyo."
"And now you're judging me. I'm so nasasaktan na talaga. You really don't love me na because na-owned mo na ako." inis na inis na si Karita sa kakangawa nito pero kailangan nyang intindihin si Jazmine.
"Halika na dito. Yakapin na lang kita." hinila niya si Jazmine palapit sa kanya at niyakap ito. "Buntis ka na siguro." biro ni Karita dito.
"Today is my first day. I told you, nahirapan pa si Mom to have me. So probably that's my case too." nakalabing sagot ni Jazmine dito habang pinupunasan na ni Karita ang mata nito.
"Matsatsambahan din natin yan." pagpapagaan ng loob ni Karita dito. "Pero ano gusto mong kainin? Masakit ba puson mo?"
Mabilis namang umiling iling si Jazmine.
"Let's sleep na lang together." paki-usap nito na pinagbigyan naman ni Karita para wala ng away at iyakan.
Nakayakap lang sila sa isa't isa habang nagpapaantok na si Jazmine.
"I want you always sa tabi ko. Specially now that i'm having my red days." pahayag niya
"Sige sige. Sa tabi mo lang ako." pagpayag ni Karita sa gusto nito.
"And don't say harsh things sakin. I'm so nasaktan talaga."
"Wag ka kasing isip bata!" bwelta ni Karita.
"I'm like this kasi i'm having my mens!" depensa ni Jazmine.
"Kahit wala naman, ganyan talaga ugali mo." bulong ni Karita sa sarili na narinig ni Jazmine.
"You're starting a fight na naman!!"
"Hindi ah." tanggi nito.
"Maybe you don't really love me na talaga. Ginirlfriend mo lang ako because you don't have a choice kasi tayo tayo lang naman here in the island! Huhuhu"
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...