Kabanata 17

4.3K 184 133
                                    

"Sayo yan, ate. Kailangan mong malaman ang totoo bago tayo sumama sa kanila." nagulohan naman si Karita sa narinig.

"Anong totoo?"

"Diba ng mga bata tayo na-aksidente ka? Yung pag-gising mo wala ka ng maalala?" inisip ni Karita ang tinutukoy ni Kathy.

"Yung nalaglag ako sa puno ng mangga?" paninigurado nya.

"Hm. Oo. Yun nga."

"Anong meron dun? Bata pa ako nun. 13 years old pa lang ako nun duba?" kunot noong tanong ni Karita.

"Siguro oo, pwede ring hindi." makahulogang sagot nito.

"Ano ba gusto mo iparating, Kuting? Diretsohin mo na." naiinip ng saad nito.

"Ate kasi, hindi totoong nalaglag ka sa puno ng mangga kaya nawala ang ala-ala mo."

"Ano?"

"Bata pa lang din ako nun pero malinaw na sa ala-ala ko na.. Natagpuan ka lang nila Mama sa dalampasigan. Wala kang malay nun, may mga galos ang katawan mo at may sugat sa ulo." hindi makapaniwala si Karita sa mga naririnig.

"Hindi alam nila Mama ang gagawin sayo nun. Akala nila bangkay ka na inanod pero ng lapitan ka nila ay sobrang init mo dahil inaapoy ka ng lagnat. Agad kang kinupkop ni Mama. Wala pang malapit na ospital nun sa isla kaya samin ka muna tumira hanggang sa magkamalay ka. Nang magising ka nakatulala ka lang. Hindi mo alam kung anong gagawin o anong sasabihin. Dun palang napansin na ni Papa ang kakaiba sayo."

"D-Dun ako n-nawalan ng ala-ala?" tanong ni Karita.

"Oo. Nang una ang plano nila mama ay isauli ka sa magulang mo kung may maghanap sayo nun.. Handa kang ibigay nila Mama k-kaso wala..  Wala kang naaalala kaya di namin alam sino ang hahanapin. Ayaw kang isuko sa kinakaukolan nila Papa dahil baka kung saang amponan ka lang daw dalhin. Ayaw nilang lumaki ka ng kulang sa pagmamahal." pagsiwalat ng katotohanan ni Kathy.

"Ibig mong sabihin hindi nyo ako tunay na kapatid?" naluluhang tanong ni Karita.

"Oo. P-Pero hindi ka namin tinuring na iba, ate. Kapatid ang trato ko sayo at anak ang turing sayo nila mama. Mahal na mahal ka rin nila."

"A-Alam ko. Naramdaman ko. P-Pero ang sakit isipin na hindi ko kayo tunay na mga kapatid. Na h-hindi niyo ako kadugo." naluluhang pahayag nito.

"Patawad ate hindi namin nasabi sayo. Gusto kasi naming isipin na tunay ka naming kamag-anak. At ito.." muling inabot ni Kathy ang kwintas kay Karita. "Ito ang suot mo ng matagpuan ka nila Mama"

Tinanggap ni Karita ang kwintas. Dun nya napagtantong isang locket iyon. Nang buksan niya ang may nakita siyang larawan.

Hindi malinaw ang nasa larawan dahil kumupas na ito sa tagal ng panahon.

"B-Bakit ngayon mo sinasabi lahat sa akin ito? H-hindi ba kayo sasama sakin sa Manila? Ayaw niyo na ba akong makasama?" malungkot at kinakabahang tanong nito.

"Hindi ganon ate. Sasamahan ka namin dahil kapatid ka namin. Sinabi ko lang sayo para alam mo na ang papunta natin sa Manila ay di lang para kay ate Yaz at magiging anak nyo kundi para din hanapin ang mga tunay na kamag-anak mo." nabuhayan ng loob si Karita sa narinig.

Ang isipin na hindi niya talaga tunay na kapatid sila Kathy ay napasakit sa kanya. Ano pa kung iiwan siya ng mga ito? Isipin niya pa lang ay sobra na siyang nalulungkot.

"So, paano? Tara na!" aya ni Austin dito.

"T-Teka." awat ni Karita.

"Paano nyo nasisiguradong taga-Manila ang t-tunay na p-pamilya ko?" naiilang niya pang tanong.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon