Ginawa lahat ni Jazmine ang pagpalag na pwede niyang gawin pero di hamak na malalakas ang mga tao sa paligid niya kaya nakatulog na lang siya.
Nang magising siya ay pakiramdam niya masusuka siya. Gumagalaw ang sinasakyan niya at pakiramdam niya dinuduyan siya.Nang ilibot nya ang mata ay napansin niyang nasa umaandar na yate na siya.
Agad siyang nataranta ng mapagtantong wala sila Kathy, Kendi at Kevin.
"Dad! Where are they?! I can't leave them! They're my family na." pambungad nito sa ama.
"WE are your family! Can you fix yourself? Nakakahiya sa harap ng mga Montori." nilipat niya ang paningin sa paligid.
Nandun nga ang mga anak ng Montori. Ngumiti sa kanya ang isa. Yung sinabihan nyang mukang manyak noon samantalang ang isa naman ay nakatingin lang sa labas na parang namamangha sa dagat.
"Dad.. Please don't do this. They need Karita and i need her too!" pagmamatigas nito pero bingi bingihan ang kanyang ama.
Alam niyang magsasayang na lang siya ng lakas dahil hindi naman siya papakinggan nito. Masyado ng sarado ang isip nito.
Nanahimik siya at nag-isip.
Sumakay pa sila ng eroplano pabalik ng Manila at makalipas ang ilang oras ay nakarating na din sila sa kanilang bahay.Agad na sumalubong sa kanya ang kanyang Mommy at niyakap siya.
"Yazzy baby! What happened to you? Sinaktan ka ba nila? Tinakot? Tell to Mommy." imbes na sumagot si Jazmine ay kumalas lang ito sa yakap at dumiretso sa kwarto niya.
Iyak lamang siya ng iyak hanggang sa makatulog na siya.
Nang magising siya ay pakiramdam niya nasa yate pa rin sya at inaalon. Bumaliktad ang sikmura niya at agad na tumakbo patungo sa banyo para sumuka ngunit wala namang lumalabas.Hinang hina lang siya na parang lantang gulay.
"Yazzy, what happened? Are you okay?" mabilis na takbo sa kanya ng kanyang ina.
Tinaas niya lang ang kamay niya, naghugas ng bibig at muling nilaktawan ang ina. Dumiretso sya sa kama at muling nahiga.
"Yazzy, you should eat first." alok sa kanya ng ina.
"Where's Daddy? I want to talk to him." seryosong pahayag nito.
"He's talking with Montori's"
Naupo si Jazmine sa kanyang kama at kinuha ang dalang pagkain ng ina. Nagutom sya at di siya sanay magtiis ng gutom kaya minabuti nyang kumain. Sarili niya lang naman papahirapan niya kung hindi siya kakain.
Pinagmamasdan lang siya ng kanyang ina habang nakain.
"You look like a fine lady now. I can't even call you a baby anymore." nakangiting pahayag ng ina pero di siya pinansin ni Jazmine.
Abala ito sa pagkain. Buong araw syang walang kain kaya naman ay gutom na gutom siya.
"Are you mad at me, Yazzy?" mahinang tanong ng ina.
Marahang pumatak ang luha ni Jazmine sa mata habang patuloy sa pagkain.
Agad namang pinunasan ng kanyang ina ang kanyang luha."Alam mo dati, if you feel like crying you will just cry. Don't hold your tears Yazzy. Let it out and dry." tuloyan na ngang bumigay si Jazmine at muling humikbi.
Mabilis siyang niyakap mula sa gilid ng ina at binigyan ng tubig.
"Mom! I'm thinking about Karita. What if they do something bad to her? She don't deserve it. All she did was love me and her siblings. Please talk to Daddy and convince him to free, Karita." umiiyak na paki-usap niya sa ina.
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanficSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...