Kabanata 25

3.9K 146 139
                                    

Matiyagang hinintay ni Karita si Jazmine. Alas otso na ng ihatid ito ni Maureen ng mansion.

"Sorry, we forgot the time. It's gabi na pala." salubong ni Maureen kay Karita. Nilagpasan naman siya ni Jazmine at nauna ng pumasok sa loob.

"Ayos lang ang mahalaga ligtas nakauwi ang mag-ina ko." nakangiting sagot ni Karita dito.

"Karita! What are you still doing there?!" masungit na tawag niya dito.

"Ay. Sige. Salamat ulit Mawrin." paalam ni Karita dito.

"Be patient on her. She's preggy." tumango naman si Karita at lumapit na kay Jazmine na nakahalukipkip at masama ang tingin sa kanya.

Bago pa siya tuloyang makalapit dito ay naglakad na ito palayo. Mabilis naman siyang sinundan ni Karita hanggang makatabi niya na ito sa paglalakad.

"Naghaponan ka na, Palangga?" malambing na tanong niya dito.

"Yes." tipid na sagot ni Jazmine.

Pagdating sa kwarto ay pabagsak na nahiga si Jazmine sa kama.

"Jasmin! Mag-ingat ka naman sa galaw mo!" agad na pagalit ni Karita dito.

Tinitigan naman siya ni Jazmine kaya natauhan siya. Napagalitan niya na naman pala ito.

"Palangga kasi baka masaktan ka." mahinahon ng paliwanag niya dito at nahiga sa tabi ni Jazmine.

Tumalikod naman sa gawi niya si Jazmine.

"Palangga, galit ka ba sakin?" mahinang tanong niya rito.

Dinukwang nya ang kanyang ulo sa muka ni Jazmine at nakita nyang nakapikit ito.

"S-Sorry na.." utal na pahayag nito. "Hahabaan ko na ang pasensya ko. Di na kita aawayin, Palangga." pangungumbinsi niya dito.

"Sorry na ha?" pag-uulit nya habang marahang dinadampian ng halik ang pisngi nito.

"Wala pa akong kain, Palangga. Hinintay kasi kita. Akala ko di ka pa nakain." pangungunsensya niya dito.

"Then eat now! I'll sleep na." mataray pa rin na sagot nito.

"Bakit ba nagsusungit ka pa rin?! Nagsosorry na nga ako sayo e!" reklamo ni Karita kaya napadilat si Jazmine at nilingon siya.

Mabilis naman siyang ngumiti dito.

"Hehe. Sorry na, Palangga. Samahan nyo na ako ni Baby kumain." patuloy na paglalambing niya dito.

"Fine! But it's our baby lang want to join ha! I'm not. I'm still tampo to you!" nakalabing pahayag nito kaya mabilis siyang hinalikan sa labi ni Karita. Hindi sobrang bilis at may katagalan yun.

"Salamat, Baby. Hindi mo matiis si Mommy." masiglang pahayag ni Karita na hinimas pa ang tiyan nito.

Habang kumakain si Karita ay nakatingin lang sa kanya si Jazmine. Naiisip nito na baka napasukan ng masamang hangin si Karita dahil sa pinapakita nito.

"Alam kong si baby lang ang gusto akong titigan. Hindi ikaw, kaya sige lang. Naiintindihan ko." pilyang pasaring nito.

"Tsk! Our baby is stubborn kasi like you!" angil nito.

"Ako? Stubborn? Hahaha baka ikaw." di makapaniwalang sagot ni Karita.

"What?!" kunot noong tanong ni Jazmine.

"Sabi ko nga, ako! Ang stubborn ko talaga! Nakakainis." bawi ni Karita. Pasimpleng napangiti naman si Jazmine kaya binaling nya ang ulo sa kabilang gawi ni Karita para di siya nito makita.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon