Nagsimula na ang treatment kay Jazmine. Chemotherapy at Radiation sana pero dahil buntis siya ay hindi pwede ang radiation. Maingat din ang mga doctor sa pagbibigay ng gamot kay Jazmine.
Kahit papaano ay lumakas siyang kumain dahil na nga rin nagbubuntis. Nasa pangatlong buwan na siya ng pagbubuntis.
"Palangga, i want pancake." nakalabing request niya kay Karita.
"Okay. Papatulogin ko lang si AC." sagot nito habang nagtitimpla ng gatas.
Nilapitan siya ni Jazmine at niyakap mula sa likod, hinilig niya ang kanyang ulo sa likod ni Karita. Sandali pa siyang nanigas dahil sa pagkagulat.
"I'm sorry.." malambing na pahayag nito. "You're so pagod na 'coz you taking care of me and baby AC."
Marahang pumihit si Karita paharap kay Jazmine. Maingat niyang hinaplos ang ulo nito na unti na lang ang natitirang buhok dahil sa chemo.
"Don't say sorry. Gusto ko na inaalagaan kayong dalawa." wika nito bago dampian ng masuyong halik ang labi ni Jazmine. "Mahal kita, Yaz."
Lumabi naman si Jazmine dito.
"I'm so pangit na. I'm becoming a bald na." naluluhang saad nito.Isa sa dahilan bakit ayaw ni Jazmine ang chemo ay dahil mahal na mahal nya ang kanyang mahabang buhok. Ngayon nga'y unti unti na itong nalalagas.
"Hindi naman nabawasan ang ganda mo, palangga." sinserong saad ni Karita.
"You're just saying that to comfort me." napapalatak naman si Karita sa sagot nito.
"Alam kong yan ang sasabihin mo haha" mahina pa syang natawa. "Yaz, kahit na maubos na lahat ng buhok mo, pati na ang mga ngipin mo, ikaw pa rin ang pinaka maganda para sakin. Mas maganda ka pa kay AC. Haha" nagtaas baba pa ito ng kilay.
"You're lying! My daughter is the most beautiful girl i ever seen!"
"Para sayo. Para sakin, ikaw ang pinakamaganda." halatang pambobola nito pero di pa rin napigilan ni Jazmine ang mapangiti.
"Tse! You make patulog na! After that cook a pancake ha?" malambing nyang sinabi ang mga huling salita.
"Yes boss!" sumaludo pa si Karita sa kanya. "Maupo ka na lang habang naghihintay sa akin. Baka masugatan ka pa." paalala sa kanya nito bago tuloyang nagpatulog kay AC.
Mula sa loob ng bahay ay nakatanaw lang sa labas si Jazmine. Umuulan ng nyebe dahil papalapit na ang pasko.
Nakatulala lang sya dun na naabutan ni Karita."Palangga.." malambing na lumapit sa kanya si Karita dala ang pancake na ni request niya.
Nilingon niya ito ng may ngiti sa labi. Simula ng malaman niyang buntis siya ay kahit papaano naging masayahin si Jazmine.
Bumalik siya sa dating palangiti at malambing na Jazmine. Kung hindi nga lang siguro siya nakakalbo at may mangilan ngilan na pasa ngayon ay iisipin mong wala siyang sakit dahil masigla ang kanyang mga mata.
"Karita.." tawag ni Jazmine sa kanya at tinuro ang labas.
"Gusto mong lumabas?" tanong sa kanya nito.
"Yes. But i know it's too cold outside." nakalabing pahayag niya.
Lumapit si Karita sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Nandito naman ako. Kung kailangan mo ng init, yayakapin kita. Kung kailangan mo ng lamig, papaypayan kita. Kung kailangan mo ng pagkain, ipagluluto kita. Ibibigay ko lahat ng kailangan at gusto mo."
"You're making my heart chubby." natawa naman si Karita sa itsura nito dahil ngumuso pa ito.
Dahan dahan nilapit ni Karita ang muka niya kay Jazmine. Ilang pulgada na lang ang pagitan nya ng mahinto siya.
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...