Kinaumagahan ay nagulat na lamang si Jazmine ng makita sa labas ng kwarto ni Karita ang lahat ng gamit nila ni AC.
"Karita!!!" nang-gigil na tawag nya dito.
"Palangga, bakit?" agad na tanong nito na sumilip mula sa kusina.
Kunot noong tinuro ni Jazmine ang mga gamit nila. Nagpipigil kasi siyang awayin ito kaya di siya makapag-salita.
"Ah. Pinakuha ko mga gamit nyo ni Baby AC para dito na kayo tumira sakin. It's more convenient, Palangga." kalmadong sagot nito.
"Why are you making decision on your own?" malumanay ngunit gigil na tanong nito.
"Because you did that on our wedding day." pambabara sa kanya ni Karita kaya natahimik sya. "May tanong ka pa?" masungit na tanong nito.
"Where's my child?"
"You mean OUR child. Na kay Daddy." sagot nito at bumalik sa pagluluto.
Nagtungo naman sa ref si Jazmine hindi kalayuan sa kusina kaya pasimple niyang sinisilip ang niluluto ni Karita.
Halos mabilaukan siya ng makita niyang mahabang fries iyon."You see? Kaya ko na rin magluto nito. Di ako nagpatulong kay Kuya Arman kasi di niya ako gustong tulongan. Nag-search ako para dito." may pagmamalaking pahayag ni Karita.
"I'm not naglilihi anymore." plain na sagot ni Jazmine.
"Problema ba yun? Haha akong bahala." taas babang kilay na pahayag ni Karita.
"Tss! Don't you dare touch me talaga." banta nito. Pinatay ni Karita ang kalan at muling lumingon kay Jazmine. Tumawa siya ng mahina na parang may nakakatawa sa sinabi ni Jazmine.
"I'm a risk taker now." biglang seryosong sagot nito at lumapit kay Jazmine. Napaatras naman ito pero ref na ang nasa likod nya.
Akmang aalis siya ng mabilis na harangan ni Karita ang daan niya. Nang magtungo siya sa kabilang parte ay hinarangan ulit ito ni Karita.
Tinitigan niya ito ng masama pero sinalubong lang siya ng mas mariing titig nito. Pakiramdam niya ay biglang nanghina ang tuhod nya at para siyang malulusaw.
"You're really good at running and hiding but you can't escape from me now, Yazmin. Not anymore." pahayag nito at mabilis na hinapit ang batok ni Jazmine.
Mariin niya itong hinalikan. Mapusok ang halik na ginawad niya dito. Sinusubukan ni Jazmine ang pumalag ngunit mas malakas ito at nakakaramdam na din siya ng pagkaliyo.
Nakakahina ang halik ni Karita na parang gustong parusahan ang mga labi niya. Niyapos niya ang isang kamay sa bewang ni Jazmine at hinapit ito palapit sa kanya.
Tuloyan ng napakapit si Jazmine sa batok nito habang tinutugon ang halik niya.Naging malumanay ang paghalik ni Karita na malugod na sinabayan ni Jazmine.
"Fuck! Get a room! Nakakainggit!" sabay silang halos mapalundag ng marinig ang boses ni Emman.
Mabilis na kumalas si Jazmine kay Karita at namumula ang mukang tinungo sa labas si AC.
"Nakakainis ka naman kuya eh! Tumahimik ka na lang sana." maktol ni Karita dito.
"Sorry 'tol! Kakainggit eh haha" tumatawang pahayag nito bago nagtungo sa taas.
Samantalang si Jazmine ay napapahawak na lang sa puso niya sa sobrang bilis ng kabog nun. Pakiramdam niya ay hinabol siya ng sampung kabayo sa hingal na nararamdaman.
Makalipas ang ilang breathing exercises nya ay naupo siya sa may veranda sa labas ng resthouse kung saan pinapanuod niya si AC na masayang nakikipag kulitan sa kanyang lolo.
![](https://img.wattpad.com/cover/255962313-288-k879784.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...