"Ang putla mo." puna ni Karita kay Jazmine.
Nakasakay na sila ngayon ng van pauwi sa bahay ng mga Montori. Nakayakap si Jazmine sa kanya na parang ayaw na talagang bumitiw pa.
"I'm inside my room lang kasi for weeks. I don't get any light from the sun." mahinang paliwanag ni Jazmine nito.
Hinaplos ni Karita ang muka nito at di niya maiwasan di makaramdam ng pagkahabag.
"Wag kang mag-alala. Aalagaan kita, kayo ni baby." pahayag ni Karita. Di sumagot si Jazmine bagkus ay niyakap lang siya ng mahigpit.
"Palangga, sigurado ka ba na ipapakulong natin ang Daddy mo?"
"Hmm. He's heartless! He deserves to rot in jail!" galit na sambit ni Jazmine.
"Pero di na bata ang Daddy mo. Alam mo ba, delikado sa kulongan. Baka kung anong gawin sa kanya ng mga nakakulong dun." napa-agwat sa kanya si Jazmine at tinitigan siya sa mata.
"Why? When you were in jail ba, Did someone hurt you?" nag-aalalang tanong nito.
Nag-iwas naman agad ng tingin si Karita dahil di niya kayang salubongin ang tinging binibigay nito.
"H-Hindi. B-Bakit naman nila ako sasaktan?" balik tanong ni Karita habang naiwas tumingin dito.
"I don't know pero when we're apart lagi kang nasa mind ko. I'm always kinakabahan knowing that you're with criminals." malungkot na pahayag nito.
Marahang ngumiti si Karita at hinila si Jazmine payakap sa kanya.
"Wag mo ng isipin yun. Nakalabas na ako at kasama niyo na ako. Ang iniisip ko yung Daddy mo. Mahihirapan siya dun lalo na't di siya sanay sa hirap."
"He deserves it! He wants to abort our baby?! He even threat me that he'll kill you. He's delikado na, Palangga. I can't risk your life and our baby life for him. He need to suffer from his wrong doing." determinado pa rin si Jazmine na ipakulong ang Daddy niya.
Hinayaan na lang ito ni Karita dahil may punto din naman siya. Siguro masyado lang siyang naaawa dahil alam niya kung gaano kahirap sa kulongan. Napagdaanan niya iyon at di niya kaya na mapagdaanan din ng ibang malapit sa kanya.
Pagdating sa mansion ng Montori ay nagpahanda ito ng pagkarami raming pagkain animo'y fiesta.Nakaupo ang matandang Montori sa pinaka dulo ng lamesa, nasa magkabilaang gilid nya ang dalawang Montori na si Arman at Emman.
Naupo si Karita sa tabi ni Emman, nasa tabi niya rin si Jazmine. Kasama din nila sa mahabang lamesa ang mga kapatid ni Karita at sila Maureen at Austin."Ngayon lang umingay ng ganito ang pag-kain namin. Masaya din pa lang kumain ng maraming kasama." nakangiting pahayag ni Senior Armando.
"Salamat po sa pagkain!" masayang bulalas ni Kevin.
"Kevin, ubusin mo muna ang laman ng bibig mo." pagalit sa kanya ni Kathy. Nagiging matakaw kasi ito. Gustong gusto niya ang hotdog.
"Walang anoman, Kevin." sagot ni Senior Arman.
"Ms. Dela Fuente and Mr. Mendoza, i can't thank you enough. Thank you to all your help. Most specially, thank you for finding Alexis for me." madamdaming pahayag nito.
"Ehem.. Trip to Europe. Baka naman. Ehem." pagpaparinig ni Austin kaya nakatanggap siya ng siko mula kay Maureen.
"You're such a buraot talaga! Mahiya ka naman!" asik ni Maureen dito. Natawa naman ng mahina si Karita.
"Well, pwede naman. After Alexis at Jazmine wedding. You can accommodate them in Europe ofcourse charge on me." sagot ni Senior Armando.
"Wait, Dad!" singit ng batang Armando kaya napunta sa kanya ang baleng ng Senior.
![](https://img.wattpad.com/cover/255962313-288-k879784.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...