"Mabuti kung ganon." sagot ni Karita dito at iniwan na si Jazmine.
Napangiti na lang ng mapakla si Jazmine sa sinagot ni Karita.
Ilang saglit pa ay tumayo siya at hinabol ito.
"Won't you really stop me?" naluluha ng tanong niya dito.
Hinarap naman siya ni Karita at tinitigan ng seryoso.
"Bakit ko gagawin yun? Gustong gusto na nga kita umalis dito." walang prenong pahayag nito.
"Don't you really have feelings for me? Even a bit lang."
"Wala." diretsong saad lang nito. "Kaya umalis ka na bago ka pa magdulot ng kapahamakan dito."
Napatawang pagak si Jazmine dito.
"I can't believe it." naiiling na saad niya. "Kapahamakan? Is that all i am to you?! A disaster?"
"Oo. Simula nang dumating ka dito ginulo mo na buong buhay ko." sobra ng nasasaktan si Jazmine sa mga sinabi nito.
"Stop."
"Ginulo mo ang isip ko"
"I said stop!"
"Ginulo mo ang katawanan ko"
"What?"
"At ang puso ko!" natameme si Jazmine sa mga huling sinabi ni Karita.
"What did you say?"
"Ayaw kitang nandito. Mas matatahimik ang buhay namin kung wala ka dito." pinal na saad ni Karita at tumalikod.
Muling naiwan si Jazmine na pinoproseso sa utak niya ang mga sinabi ni Karita.
Gulong gulo siya. Hindi nagtutugma ang mga sinasabi ni Karita.Nagpasya siyang magpaiwan na lang sa labas ng bahay hanggang sumikat ang araw.
Dun lang siya bumalik sa bahay."Ate Yaz! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?" mabilis na takbo ni Kevin dito at yumakap sa bewang niya.
Lalong nalungkot si Jazmine dahil dun. Gustohin niya man makasama pa sila Kevin ay kailangan niya ng umuwi. Kailangan niya ng harapin ang tinakbohan niya.
"Hinintay ka namin kumain ate Yaz!" nakangiting pahayag ni Kathy.
"You should eat na dapat." nahihiyang sagot ni Jazmine.
Tahimik siyang naupo sa tabi ni Karita na hindi man lang siya tinitignan.
Tahimik silang kumain, nang matapos ay nagsalita na si Jazmine.
"I have to tell you guys." napatingin naman silang lahat kay Jazmine maliban kay Karita.
"I don't lost my memories." parang di naman nagulat si Kathy sa sinabi nito.
"I run away from our home because of some reason. Na kaartehan at pagiging makasarili lang." pahayag ni Jazmine na tinutukoy ang sinabi ni Karita sa kanya dati.
"And i'm leaving the island na." sa sinabi ni Jazmine ay agad na nabitawan ni Kathy ang kutsarang hawak.
"Ate Jaz! Bakit biglaan naman?" reklamo ni Kathy.
"Ano sabi niya ate?" tanong ni Kevin na hindi nakakaintindi ng english.
"Aalis na daw siya ng isla." si Karita na ang sumagot. "Yun ang makakabuti sa ating lahat. Kaya Kathy, samahan mo siya sa kabilang isla mamaya." pahayag ni Karita at tumayo na.
"AYUKO!!" mariing tutol ni Kathy. "Ayuko siyang samahan! Ayukong umalis siya dito sa isla!" napahinto naman sa paglalakad si Karita.
"Ayuko din." mahinang gatong ni Kendi.

BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...