Kabanata 20

4.3K 151 112
                                    

"Yazzy, let's talk." mahinang saad ng Mommy nya.

"Then talk." matigas na pahayag ni Jazmine.

"Ikakasal ka na next month. Ayaw mo bang makasama kami ni Daddy mo sa kasal mo?" malungkot na tanong nito.

"Can you hear yourself Mom? You even have a guts to say that talaga? Where the hell are you when Dad want to abort my baby?!" sumbat nya dito. Napayuko naman ang Mommy niya at niyakap naman si Jazmine sa braso ni Karita para kumalma.

"I'm sorry. Wala lang talaga akong magawa nun baby pero pinagsisisihan na namin ng Daddy mo ang nangyari. Sana palayain mo na siya." basag ang boses na paki-usap ng kanyang ina sa kanya.

Hindi ganon katigas ang puso ni Jazmine para walang maramdamang awa sa kanyang Mommy at Daddy kaya naman dahan dahan nyang hinawakan ito sa braso. Napaangat naman ito ng tingin sa kanya.

"Mom, let time heal all wounds. Not now, please." mahinahong paki-usap niya sa kanyang ina.

"Kahit hindi muna ang pagtatawad mo Yazzy ang hinihingi ko. Kahit kalayaan muna ng iyong Daddy." nakita niya ang sakit sa mata ng kanyang ina kaya nag-iwas siya ng tingin.

"I-I'll think about it." pahayag nito at tumalikod na para pumasok sa loob.

Nagpaiwan naman si Karita para kausapin saglit ang Mommy ni Jazmine.

"Ako na pong kakausap kay Jasmin." pagpapagaan nito ng loob ng ginang.

"Thank you. Thank you! I hope she'll listen to you." malungkot na saad nya.

"Sana nga po. Sige po." paalam na rin ni Karita at pumasok na sa loob para sundan si Jazmine.

"Palangga.." tawag nya dito at tumabi higa kay Jazmine. Niyakap niya ito mula sa likod dahil nakatalikod ito sa gawi niya.

"Hmm?" tanging sinagot sa kanya ni Jazmine.

"Ayos ka lang ba?" malambing na tanong nito.

"I don't know.. It's masakit in my part too but natatakot ako kay Dad. I don't know how he think na."

"Wala naman na siyang kakaayawan sakin diba? Montori din naman ako. Wala ng problema diba?" paninigurado ni Karita dito. Di rin sumagot si Jazmine sa kanya ngunit pumihit ito paharap at hinaplos ang muka ni Karita.

"I love you so much." saad niya dito at dinampian ng halik ang labi ni Karita.

"Hmm?" nagugulohan siya sa ginawa ni Jazmine.

"I'm malungkot that's why i kiss you. It gives me happiness." pahayag ni Jazmine.

"Bakit ka malungkot?"

"Because we end up like this nila Daddy." malungkot na sagot nya.

"Pinagsisihan mo ba ang mga nangyari?" marahang ngumiti si Jazmine at pinagdikit ang mga tungki ng ilong nila.

"No. 'Coz if it didn't happened, i'm not sigurado if i will have you and our baby."

"Pero malungkot ka." giit ni Karita.

"Yeah in some aspect of my life pero when it comes in my lovelife i'm more than bless." sagot niya

"Hm, palangga." mahinang tawag niya

"Yeah?" nakapikit ng sagot nito ngunit nanatili ang palad niya sa muka ni Karita at marahang hinihimas himas yun.

"Pwede mo naman palayain ang Daddy mo at magsimula kayong muli." suhisyon ni Karita. Napahinto naman si Jazmine.

Ang totoo ay naiisip niya na yun pero natatakot lang talaga sya.

"You want me to free him?" paninigurado ni Jazmine.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon