Alas tres ng madaling araw ng mag-uwian sila magkakaibigan.
"Are you okay?" malambing na tanong ni Jazmine dito habang malikot na naglalakbay ang kamay sa litaw na tiyan ni Karita.
"Oo naman." namumungay ang matang sagot nito. Nakasandal siya sa kotse at kumukuha ng balanse.
Dumukwang si Jazmine kay Karita at dinampian ito ng halik sa labi. Napapitlag naman siya sa gulat at mabilis na tumingin sa paligid.
"B-Baka may makakita sa atin dito." pahayag nito. Kumunot ang noo ni Jazmine pero ngumiti din kalaunan.
"You're so lasing na. You're face is so mapula. Haha" natatawang sagot ni Jazmine sa kanya.
"Hindi. Kinikilig lang talaga ako kasi hinalikan mo ko." paliwanag ni Karita. Napahinto naman ng tawa si Jazmine.
"Really ha?" dinikit nya ang katawan kay Karita at niyapos ang bewang nito. "You're lasing! If you're in the right mind. You'll never say that. You never admitted my impact to you." ngumiti lang si Karita sa sinabi niya.
Naisip niya na baka nga lasing na siya dahil ang tapang niyang sabihin yun.
"Bakit parang masaya ka pa na lasing ako kung ganon?" takang tanong ni Karita.
"Well, sort of." hagikgik na sagot ni Jazmine at dinampian ng mabilis na halik ang labi nito. "I'm thirsty for your compliments." pag-amin nya dito.
"Hmm.. Mag-uumaga na. Umuwi na tayo at dun kita sa kwarto pupurihin." nakangising saad nito.
"I like that." nagtaas baba pa ng kilay si Jazmine bago tumawa at hinila na papasok ng kotse si Karita.
May driver naman sila kaya di sila nahirapan na dalawa.
Magkahawak kamay lang sila nakaupo sa likod ng kotse at halos walang hangin na makakapagitan sa kanila sa sobrang dikit. Parang namiss nila ang isa't isa ng sobra.Pagdating sa kwarto ay mabilis lang sila nag-bedtime routine at nahiga na sa kama.
Mabilis na yumakap ng mahigpit si Jazmine kay Karita tulad ng dati.
"Namiss mo 'ko?" malambing na tanong ni Karita dito.
"I'm not. Baby misses you." depensa nito.
"E ikaw baby ko." pangungulit nito.
"You are really lasing, Karita! Haha" natatawang pahayag nito.
"Hindi nga. Nagsasabi lang ako ng totoo." giit nito.
"Okay. Then say more truth." inaantok ng sagot ni Jazmine.
"Hmm.." nag-isip naman si Karita ng mga sasabihin niya.
"Kanina, nasaktan akong isipin na may iba kang nakahalikan." pahayag nito.
"Oh my gosh, Palangga! That was tapos na! I'll never do that again. Don't sue me for my past." inis na pahayag nito.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Nasaktan ako pero tama ka naman e. Di pa tayo magkakilala nun." paliwanag nito. Di na lang sinagot ni Jazmine dahil ayaw nya talaga ng usaping iyon.
"Kanina din pala. Nagulat ako sayo paano mo kinausap si kuyang lumapit sakin. Napaka maldita mo." kahit nakapikit si Jazmine ay napa-roll eyes siya.
"You know what? You're so nakakainis! Let's sleep na nga lang. You're just saying what you don't like about me lang e!" iritang pahayag nito.
Nacutan naman sa kanya si Karita kaya natawa ito ng mahina at niyakap ng may katamtamang higpit si Jazmine. Sapat lang para maparamdam ditong mahal niya ito.
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...