Kabanata 2

6.2K 248 116
                                        

Sa ilang taon na nasa isla silang magkakapatid ay paulit ulit na lang ang kanilang ginagawa sa araw araw. Subalit ngayon na dumating si Jazmine sa kanila ay di nila mapaliwanag ang sayang nararamdaman.

Para silang naghihintay sa pagpisa ng itlog, naghihintay sa paglabas ng paru-paru sa kanyang kukon at pagmulat ng bagong silang na bata.

Mula ng alagaan nila ito ay pare-parehas na silang di mapakali. Lagi nilang sinisilip ito sa kwarto para malaman kung gising na ba.

Makalipas ng dalawa araw ay nagmulat na ito ng mata. Hindi mapaliwanag ang paghangang naramdaman nila. Sa tagal ng panahon ay parang ngayon lang ulit sila nakakita ng tao.

Ngunit nagbago lahat ang pananaw ni Karita ng magsimula ng magsalita ang bisita.
Hindi niya gusto ang pananalita nitong napaka-arte at pakiramdam niya naririndi ang tenga niya.

"Hoy! Hindi ka bakasyonista dito para tumambay dyan sa dagat!" puna niya kay Jazmine ng makita niyang nakatayo ito sa dalampasigan at dinadama ang malamig na hangin.

"What? I'm just trying to appreciate the beauty of this island kaya! It's so Instagramable but nakakalungkot 'coz i don't have any camera with me ngayon." ginagaya naman ni Karita ang maarteng pananalita nito.

"Ang dami mong sinabi! Magtanim ka dun ng kamatis para kapag namunga may makain tayo."

"And what about you? What are you going to do ba?"

"Magsisibak ako ng kahoy panggatong. Gusto mo palit tayo! Ikaw magsibak ako ang tutulong sa pagtatanim." pabalang na sagot nya dito

"But it so madumi kaya mag-plant" buong pigil si Karita sa sarili para di masampal sa kaartehan ang kaharap.

"Magtatanim ka o hindi ka kakain?"

"Oh. It's okay. I'm having my diet naman. Hehe"

"Anong diet?! Halos tatlong araw kang walang kain tapos may nalalaman ka pang diet?" iritang saad na nito..

"It's mahirap kasi your utos. Can i pick a bunga na lang instead?" nagpapacute na paki-usap nito kay Karita.

"Hindi! Samahan mo dun si Kathy. Madali lang yun! Pinapangunahan mo lang ng inarte." nakalabing nag tungo na lang si Jazmine kay Kathy para tulongan ito magtanim.

"Ate Yaz!" masayang bungad nya dito

"Ahm. Hi Katie! Can you turo me how to plant? Your ate sungit kasi want me to plant a kamatis." pagsusumbong niya dito

"Ah ganon ba? Madali lang naman ito. May mga binhi dito tapos huhukay ka lang sa lupa at ibabaon mo na. Wag lang masyadong tabi tabi ang hukay mo. Pagkatapos tusokan mo ng maliit na kahoy sa ibabaw para may palatandaan." paliwanag ni Kath dito habang pinapakita kay Jazmine ang gagawin.

"Oh ikaw naman!" inabot ni Kathy kay Jazmine ang maliit na pala at nandidiri pa ito ng hawakan nya dahil may mga lupa lupa iyon.

Sinimulan niya ng tusok tusokin ang lupa.

"Ang hard naman ng soil!" reklamo niya na naman. Napansin naman ni Karita ang ginagawa nito kaya napahinto siya sa ginagawa at nilapitan si Jazmine.

Kumuha siya ng isang tipak na lupa at walang pasabing pinahid sa kamay ni Jazmine.

"Oh my ghad! What are you doing? It so nakakadiri. Iw. Dirty!" tumitiling reklamo nito habang maarteng pinapagpag ang kamay na nalagyan ng lupa.

"Ang arte arte mo! May nagtatanim ba na hindi nadudumihan ang kamay? At isa pa, lagyan mo ng pwersa paghuhukay mo hindi yung sinusundot mo lang yung lupa. Daig ka pa ni Kevin!" mahabang litanya nito.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon