Pagdating ng gabi ay tahimik lamang si Jazmine at di kinukulit si Karita. Alam niya kasi na maaasar na naman ito sa kanya, ayaw niya nun. Ayaw niya ng bigyan ng sama ng loob ang sarili niya kaya siya na mismo umiiwas dito.
Nang matapos naman maligo si Karita ay agad itong tumabi ng higa kay Jazmine.
"Bakit ang tahimik mo, Palangga?" nagtatakang tanong ni Karita dito.
"I have nothing to say naman." sagot niya dito at niyakap na lang ito. Agad naman siyang niyakap pabalik ni Karita.
Parehas walang nagsasalita sa kanila at nagpapakiramdaman lang.
Maya maya pa'y hinimas himas ni Karita ang tiyan ni Jazmine."Anong gusto mong ipangalan sa anak natin kapag lalaki?"
"Hmm. What ever you want" nakapikit na sagot ni Jazmine.
"Wala kang naiisip? Ikaw magaling sa ganyan e."
"As long as healthy si Baby, i'm good at it na." nakaramdam naman ng kakaiba si Karita sa pakiki-usap nito.
Parang walang interes si Jazmine makipag-usap sa kanya. Ayaw nito pahabain ang usapan.
"Sige. Matulog ka na." pahayag na lang ni Karita. Di naman sumagot si Jazmine at tuloyan ng natulog.
Hanggang kinabukasan ay tahimik pa rin si Jazmine. Nakayakap naman siya kay Karita pero hindi ito nagsasalita. Pangiti-ngiti lang din ito habang nag-cecellphone.
Pinagpasalamat din ni Karita na hindi umuwi ng maaga si Arman. Buong araw na sila lang ni Jazmine ang magkasama pero kapansin pansin talaga ang pananahimik nito. Ang iniisip na lang ni Karita ay dahil sa pagbubuntis niya.
Sumunod na gabi ay umuwi ng maaga si Arman.
"Arman!" masayang bati sa kanya ni Jazmine.
"Yazmin." balik bati sa kanya nito.
"Are you busy?" tanong ni Jazmine sa kanya agad naman ngumiti si Arman.
"Hahaha alam ko na yan. Namiss mo yung fries ko nuh?" nagtaas baba naman ng kilay si Jazmine dito bilang sagot.
"Sige, aakyat lang muna ako sa kwarto para makapag bihis. Pahanda mo na lang kila yaya ang mga gagamitin ko." pahayag nito at umakyat na sa taas.
Sinundan lang ni Karita ng tingin ito habang pa-akyat.
Nawala lang ang tingin niya dito ng hilahin siya ni Jazmine."Let's go sa kusina, palangga!" excited na pahayag nito.
Napahinto naman si Karita dahil ngayon lang ulit sumigla si Jazmine. Napatingin naman si Jazmine sa kanya at bigla siyang binitawan.
"Sorry.. I didn't mean to hila you. I was just excited. D-don't be galit on me, please?" nangunot naman ang noo ni Karita sa pahayag ni Jazmine.
"Sorry." malambing na saad nito at niyakap siya. Dahil nagugulohan siya sa inaakto nito ay hindi siya nakatugon sa yakap ni Jazmine bago pa ito kumalas sa kanya.
"I'll just go to kusina. I won't force you to come with me. It's fine." paalam nito at nagtungo na sa kusina.
Naiwan sa sala si Karita na hindi maintindihan ang nangyayari kay Jazmine.
May kakaiba sa kinikilos nito.Ilang saglit pa ay nakita niya si Arman na pababa na. Naka-short lang ito at sando na hapit na hapit sa kanya.
Biglang may kumurot sa puso ni Karita lalo na ng bigyang siya ng nakakalokong ngiti ng kapatid bago nagtungo sa kusina.Tahimik lang na naka-upo si Karita. Nagmumuni-muni.
"Okay lang ba kayo ni ate Yazmin?" tanong ni Kathy sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanficSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...