Kabanata 32

4.1K 151 48
                                    

Sa lumipas na araw ay walang ibang ginawa si Karita kundi patunayan kay Jazmine ang pagmamahal niya. Walang araw na hindi niya sinabing mahal niya ito at walang sandali na hindi niya iyon pinaramdam.

"Palangga.." napapitlag si Jazmine sa biglang sulpot ni Karita sa tabi nya at pagbulong nito sa tenga niya.

"What?" di nalingong tanong nito. Sinasamahan niya kasi si AC na maglaro sa buhangin.

"Sama ka sa akin." aya ni Karita

"I'm with your daughter." tipid na sagot nya.

"AC, you want to come with Tita Kathy?" tanong ni Karita dito.

"Tita Kathy?" tanong nito habang puno ng buhangin ang mga maliliit nyang kamay.

"Yes. Hihiramin ko lang si Mommy Yaz mo." paalam niya pa

"Hihilamin?" di nakatingin tanong niya.

"Yes baby. Pwede ba?" lambing niya dito.

"'ige." walang muwang na pagpayag nito.

"Halika na muna." kinarga ni Karita si AC.

Mabilis itong yumakap sa leeg niya.

"Kiss mo ko dami dami." request ni Karita sa anak.

Malugod naman itong sinunod ni AC.
"Muah.. Muah.. Muah.." may tunog pang paghalik niya sa paligid ng muka ni Karita.

"I love you, baby. Muah muah muah.." ganti ni Karita na dahilan ng pagkakiliti ni AC.

"Hahahaha Mommy! Haha you tigil na Mommy hahaha" patuloy lang sa mumuntik halik si AC sa leeg ng anak kahit pa tinutulak nito ang muka niya palayo.

Nangingiti lang si Jazmine na pinapanuod ang magkamuka na naghaharotan.

Nakasunod lang siya sa dalawa hanggang magtungo sila sa banyo para saglit na paliguan ito at binihisan na rin ni Karita si AC bago ibilin kay Kathy.

"Kathy, ikaw na muna bahala kay AC. Patulog na rin yan. Natimplahan ko na ng gatas kaya di ka na mahihirapan." bilin niya dito.

"Sige ate, ako na bahala sa pamangkin ko."

"Wag kang puro cellphone ha?! Kapag nagalusan yan, sinasabi ko sayo." banta niya pa dito.

"Oo na ate! Chupi ka na. Alam ko naman atat na atat ka ng masolo si Ate Yaz." panunudyo nito na nginitian lang ni Karita.

"Tara na." baling niya kay Jazmine na hinawakan pa ang kamay nito.

"Where?" nagtatakang tanong niya.

"Basta! Hehehe" sagot nito at nagsimula ng maglakad.

Tahimik lang na nasunod si Jazmine sa kanya. Magkahawak pa rin ang kamay nila habang papasok sa kagubatan ng isla.

"Are we papunta sa tree house?" ngumiti naman si Karita at tumango tango.

Nakaramdam ng pagkatuwa si Jazmine. Nananabik na siyang muling makita ang napakagandang lugar.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakakaramdam na siya ng hingal. Napahinto siya na agad naramdaman ni Karita dahil magkahawak ang kanilang kamay.

"Palangga, ayos ka lang?" alalang tanong ni Karita dito at inabutan siya ng tubig.

"Yeah." sagot niya at nainom. "I'm napagod lang. I'm not getting any younger." pagdadahilan nito.

"Oo nga e. Medyo hinihingal na nga rin ako. Di na ako sanay." pag-sang ayon ni Karita.

Naupo muna sa ilalim ng puno si Jazmine. Nilibot naman ni Karita ang mata niya sa paligid hanggang makakita siya ng paru-paru.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon