Kabanata 3

5.2K 230 85
                                    

Sa nakalipas na araw ay hindi na mabibilang kung ilang beses na sabi ni Karita ang salitang 'Nakakainis ka' kay Jazmine.
Walang sandali na hindi siya makaramdam ng pagkairita dito.

Sa raw araw ay paulit ulit na sumasakit ang ulo niya dahil sa kakulitan nito.
Ang dapat isang gabing pagtulog niya sa tabi nito ay naging gabi gabi na.

Ang pagtuturo nya ng mga bagay bagay dito ay laging nauuwi sa pagkapikon niya ngunit si Jazmine ay nananatiling malambing sa kanya na kinakakilabot.

Ang mga balewalang haplos nito at mga biglaang pagyakap.

"I really don't know how to huli a fish talaga!" reklamo ni Jazmine ng isama siya ni Karita para manghuli ng isda sa dagat.

"Kaya nga tinuturuan kita diba?!" iritang sagot ni Karita sa kanya.

"Can I use pamingwit na lang? Like what Kevin is using." pagpapacute na naman nito kay Karita.

"Kung yun gagamitin natin aabutin tayo ng siyam siyam bago makarami ng huli!" saad niya dito "Hilahin mo." inabot ni Karita sa kanya ang dulo ng lambat at magkatuwang silang hinila iyon.

"It's so mabigat and malansa!" patuloy na reklamo nito habang hinihila nila ang lambat paakyat sa bangka.

"Omg! Ang daming fish natin na-catch! They're buhay pa oh" turo ni Jazmine sa mga nahuling isda. Para siyang batang tuwang tuwa ngayon.

"Masagana talaga dito sa isla namin. Lalo na't kukunting tao lang ang nangingisda dito. Yung malalakas lang loob." seryosong pahayag ni Karita habang pinapasok na sa loob ng cooler ang mga nahuling isda.

"Why naman? There's a plenty of isda kaya here. They will huli a lot if pumunta sila here." sagot ni Jazmine

"Tsk. Takot yung mga yun sa pamilya namin. Lalo na sa akin." nagtaka naman si Jazmine sa sinabi nito.

"But why? You're mabait naman kahit sometimes masungit and pretty pa"

"Ako mabait? Haha paano mo nasabi?" di makapaniwalang tanong nito

"Eh kasi even you always say 'nakakainis ka na talaga' you still end up helping me then you hug me pa everynight 'coz i can't sleep sa dilim." paliwanag nito

"Wag mong bigyang kahulogan ang pagyakap ko sayo. Ginawa ko lang yun para makatulog ka at patulogin mo ako. Pati yung pagtulong ko sayo, wala lang yun! Natutuwa kasi ang mga kapatid ko sayo kaya pinagpapasensyahan kita." ngumiti lang si Jazmine dito.

"Ano? Bakit ka nangingiti?!" asik nito

"You're denying that you're mabait but i really felt that you are. And you're so mapagmahal to your kapatid." malinaw sa isipan ni Jazmine na hindi totoo ang kasungitan na pinapakita ni Karita sa kanya.

Ramdam niya kung gaano itong mag-alaga sa kanilang lahat.

"Guni-guni mo lang yun." patuloy na pag-tanggi ni Karita. "Oh. Mag-sagwan ka na." inabot niya ang sagwan dito. Kung kanina ay nagrereklamo pa ito ng pinag-sasagwan siya ngayon ay malugod niyang tinanggap ang gawain.

"But why are they takot sayo?" nag-iwas naman ng tingin si Karita dito.

"Mag-sagwan ka na lang. Wag ka ng maraming tanong." pagsusungit niya

"You're masungit na naman! I haven't seen you smile kahit konti. Unlike, Katie. She's so mabait and palangiti." nakalabing sagot nito habang nagsasagwan ng mabagal.

"You're nakakairita kasi!" pang-gagaya ni Karita sa pananalita nito.

"OMG! You're so cute! Can you do that again?" nagniningning ang mata ni Jazmine dito.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon