"Palangga? Palangga!! B-Bakit ang taas ng lagnat mo?!" kinakabahang tanong ni Karita dito.
"T-Tsaka b-bakit ang dami mo p-pasa?" halos hindi na makapagsalita si Karita sa sobrang gulat.
Kagabi lang ay maliksi pa si Jazmine pagkagaling nila sa tree house. Natulog lamang sila at ngayong umaga ay inaapoy na ito ng lagnat.
"KATHY!!!!" malakas na tawag niya dito habang niyayakap si Jazmine dahil nanginginig ito sa lamig.
"Bakit?! " natataranta ding tanong niya.
"Inaapoy ng lagnat si Ate Yaz mo tsaka b-bakit ang dami niyang pasa??" agad na sinuri ni Kathy si Jazmine.
"Ate, dalhin na natin siya sa ospital." agad na pahayag nito.
Hindi na sila nagsayang ng oras pa at hinanda na agad ang speed boat para makapunta sa pinaka malapit na ospital sa kabilang isla.
"Dad, ikaw muna bahala kay AC. Dadalhin lang namin sa ospital si Yazmin." natatarantang paalam niya sa Ama.
"Lolo, what happened to Mommy Yaz?" takang tanong ng bata.
"Nothing. She's just having a high fever and it's normal." sagot ng matanda.
Binalot ng makapal na jacket ni Karita si Jazmine habang yakap yakap ito. Nahinto na ang panginginig niya ngunit nanatili ang mainit na temperatura.
"Palangga.. I'm here. I'm just here." paulit ulit na bulong ni Karita sa kanya. Umaasang makakatulong yun para maibsan ang nararamdaman ni Jazmine.
I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the oneGusto niya ng paliparin ang sinasakyang bangka para lang makarating na sa kabilang isla. Punong puno siya ng kaba dahil hindi man lang sumasagot si Jazmine kahit anong pagkausap niya dito.
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone"Palangga, may masakit ba sayo?" nanghihina itong yumayakap lang rin kay Karita.
"Wag mo siyang papatulogin ate." suhisyon ni Kathy na may hinala na sa kung anong meron kay Jazmine.
"Palangga, wag kang matutulog." pinipiga ni Karita ang kamay nito para manatili ang malay.
And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can decideIlang saglit pa ay dumaong na rin sila kabilang isla. Nakaabang na dun ang abulansya na susundo sa kanila papuntang ospital.
Nakahawak lamang si Karita sa kamay ni Jazmine habang nakahimlay na ang katawan nito sa stretcher. Hindi maganda sa pandinig nya ang maingay na tunog ng ambulansya. Nakakadagdag ito sa kabang nararamdaman niya, para na siyang nabibingi.
Ilang minuto lamang ay narating na nila ang ospital. Agad na inasikaso si Jazmine at naiwan sa labas si Karita na nag-aalala.
"Ate.." hinawakan sa balikat ni Kathy si Karita. "M-May sakit ba si Ate Yaz?"
Napatingin si Karita sa kanya. Mismong siya ay nagtatanong sa utak niya.
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
फैनफिक्शनSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...