Kabanata 21

3.9K 141 112
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap ni Karita at Arman ay dumiretso na ng kwarto si Karita. Nang mahiga sya sa tabi ni Jazmine ay mabilis siyang niyakap nito kahit tulog. Na parang awtomatiko na sa galaw ni Jazmine iyon.

Hinaplos ni Karita ang buhok nito hanggang sa makuha niya na din ang kanyang antok.

Nagising siya ng may marinig na sumusuka kaya nagmamadali siyang nagtungo sa banyo.
Nakita niya si Jazmine kaya hinagod niya ang likod nito at hinawakan ang buhok para hindi sumayad.

"Palangga, ayos ka lang?" nagmumug si Jazmine at tatango tango.

"Si Baby. She/He's not bad naman when i was alone but now parang she/he wants you to take care of me. I really feel dizzy right now." sumbong ni Jazmine.

Niyakap naman siya ni Karita at patuloy na hinagod ang likod.

"Ayos lang. Nandito naman ako para alagaan talaga kayo." inalalayan niya si Jazmine maupo sa kama.

Nanatili lang itong nakayakap sa kanya habang nakasandal ang ulo sa dibdib nito.

"Baka you will get irritated?" mahinang tanong nito.

"Kaya ba hindi mo ako ginising kasi yun iniisip mo?"

"Yeah. Sort of." nakaramdam ng kirot si Karita sa sinabi nito.

Pakiramdam niya ay nagkukulang siya kay Jazmine. Kaya nakapag desisyon siyang habaan pa ang pasensya dito.

"Tara sa baba? Titimplahan ko kayo ni  baby ng gatas." aya sa kanya ni Karita.

Tahimik lang na kumapit si Jazmine sa kanya hanggang makarating sa kusina.
Pinagtitinginan sila ng mga katulong kaya nakakaramdam ng pagkailang si Karita pero nagpatuloy siya sa pagtimpla ng gatas dito.

Nang makatapos ay nagpunta sila sa garden para makapagpaaraw si Jazmine. Naabutan nila dun ang senior na may kausap sa telepono.

Pagkakita sa kanila ay saglit lang tinapos niya na pakikipag-usap sa telepono.

"Jazmine, kamusta pakiramdam mo?" nakangiting tanong sa kanya nito.

"Little bit dizzy, Dad but i'm ayos naman na because Karita is taking care of me." tumingin ang matanda kay Karita at ngumiti ng marahan bago binalik ang tingin kay Jazmine.

"Anyway Jazmine, are you sure about your Dad? Do you really want to discard the case?" napatingin si Jazmine kay Karita. Nginitian naman sya nito na parang sinasabi na 'kung saan ka sasaya'

"Y-Yeah." sagot niya.

"Kung yan ang gusto mo, sige. Tatawagan ko na ang abogado ko."

"Thank you po." magalang na saad ni Jazmine.

"And in your case Alex, i'll get you private tutor pagkatapos ng kasal niyo ni Jazmine para makapagtapos ka na sa college." tumango naman si Karita dito.

Kaya rin sa sunod na buwan pa ang kasal nila dahil inaasikaso pa ang mga papeles ni Karita. Dahil nakasanayan na siyang tawagin na Karita at gusto ng Senior na maging Alexis Montori parin ang pangalan nya ay pinabago ang pangalan nya sa Karita Alexis Montori.
Dapat ay mas matagal na proseso pa iyon pero dahil sa mapera ay inaasahan na maaayos na ang lahat sa sunod na buwan.

"Sige po, Senior. Salamat."

"Alexis, sabi ko Daddy na ang itawag mo sakin. Mabuti pa itong si Jazmine, Dad ang tawag sakin." pangaral ng Senior kay Karita.

"Opo, D-Dad. P-Pasensya na po." ngumiti ang Senior dito at bahagyang hinimas ang buhok.

"Hindi nagbabago ang ganda ng muka mo. Kamukang kamuka mo ang iyong Mommy." ngumiti lang ng alanganin si Karita.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon