Kabanata 9

7.2K 218 178
                                    

Magkasamang bumalik sa isla si Jazmine at Karita.
Gabi na ng dumating sila.

"Ate! Bakit ang tagal mo? May nangyari ba? Bakit kasama mo pa rin si Ate Yaz?" sunod sunod na tanong ni Kathy na mababakas ang sobrang pag-aalala sa muka.

"Pasensya na, Kuting. Nag-usap lang kami ni Ate Yaz mo. Kumain na ba kayo?" balik tanong nito.

"Hindi pa. Hinihintay ka namin. Akala namin may nangyaring masama sayo." nakaramdam naman ng pagkahabag si Karita sa sinagot ng kapatid.

Nakatulog kasi sila ni Jazmine kaya di niya namalayan ang oras at inabot na sila ng gabi.

"Ayos lang ako. Wag ka ng mag-alala." sagot nito.

"Sorry Katie if we made you alala"

"Ayos lang. Ang mahalaga nakabalik si Ate dito at mas masaya dahil kasama ka niya!" masayang bulalas nito.

"I'm so masaya din kasi finally, kami na! Hehe" nagulat naman si Kathy sa sinabi nito at napabaling ang tingin kay Karita. Tahimik lang ito habang magkatabi sila ni Jazmine.

"Naks! Nauto mo si Ate haha" biro nito na ikinalabi ni Jazmine.

"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob para makakain na." pagputol ni Karita sa usapan nila.

Nang maglakad na sila papasok sa bahay ay napansin ni Kathy ang lakad ni Jazmine.

"Bakit ganyan lakad mo ate? May masakit ba sayo?" curious na tanong nito.

"'Coz me--"

"Naglikot kasi siya kanina sa bangka kaya natapilok." mabilis na sagot ni Karita bago pa matulog ni Jazmine ang sasabihin nito.

"Ikaw talaga ate ang likot mo. Mag-iingat ka sa susunod." pahayag ni Kathy.

"Thank you but i enjoyed my tapilok. Hihihi" para pang kinikilig na pahayag nito.

--

Pagkatapos kumain ay nagtungo na rin sa kwarto nila si Jazmine at Karita.
Magkayakap lang sila habang nakahiga.

"Baby, masakit down there." pahayag ni Jazmine.

"Ganyan talaga sa una tsaka ikaw naman kasi hindi mo ko hinintay." pagalit ni Karita dito.

"You're so bagal kasi and you're teasing me. But babe, i think i'm magkakasakit." maarteng maktol nito.

Niyakap naman siya ni Karita ng mas mahigpit.

"Sorry. Hayaan mo, di na natin uulitin yun." mabilis naman na nagreact si Jazmine sa sinabi nito.

"What? No honey. I'm just being pabebe. I want you to lambing me kasi that's why i said that but i'm okay naman talaga. No need to worry. Hehe" napapalatak naman si Karita sa sinabi nito.

"Di pa ba lambing ito?" tanong niya

"Hmm. Just right" napangiti na lang si Karita dito.

"Are you going to sleep na?"

"Nakapikit lang. Kakagising lang natin e. Bakit?"

"Why did you like me?" curious na tanong ni Jazmine.

"Wala akong sinabi na gusto kita. Ayuko sayo. Ayuko ng pagiging maarte mo, ng pagiging makulit mo, lalo na yung pananalita mo." seryosong sagot ni Karita.

"What? You said earlier--"

"Ang sabi ko mahal kita." pagpuputol ni Karita sa sasabihin niya.

"Ha? You're so magulo talaga! I thought you like me then--"

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon