Kabanata 36

4.4K 147 77
                                    

Naging masaya ang lahat sa naging kasal ni Karita at Jazmine. Hanggang sa receiption ay naging madamdamin ang lahat.

"Yazzy baby.." tawag sa kanya ng kanyang Mommy.

"Mom." tipid na ngiting bati sa kanya ni Jazmine. Si Karita ay tahimik lang na nakaalalay sa tabi niya.

"Congratulations for your wedding and for your new incoming baby." pahayag nito. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon magkausap si Jazmine.

"Thank you, Mom."

"Ahm. Your Dad gave you this." sandaling napahinto si Jazmine ng marinig ang salitang 'your Dad'. Matagal na sa sistema niya nawala ang kanyang ama.

Jazmine accept the scented white envelope.

Binasa niya ang nakasulat sa labas. Pagkakita nya ng sulat ay nakompirma nyang sulat kamay nga iyon ng kanyang Daddy.

To my one and only daughter.
From your Daddy.

Yun pa lang ang nababasa ni Jazmine ay naluluha na siya. She missed her Dad. Kahit anong mangyari ay ama niya pa rin iyon. At halos limang taon na rin silang hindi nagkikita.

"Hindi na siya nakapunta dahil nahihiya siya sayo." mahinang wika ng kanyang ina.

"Yazzy, sana ay napatawad mo na kami. Pinagsisihan na namin ang mga nagawa at hindi namin nagawa. Patawad Yaz." malalim na buntong hininga ang nasagot ni Jazmine.

Nakayuko lamang ang kanyang ina nang hawakan nya ang kamay nito. Dahan dahan itong nag-angat ng tingin at sinalubong ang kanyang mata.

"I'll read this, Mom. And thank you for coming to my special day." she smiled genuinely at her and they hugged.

Pagkatapos ng araw na iyon ay nagbalikan na rin sa kani-kanilang buhay ang mga bisita. Tanging silang apat na lang ang natira.

                                                                      

Silang apat ang magkakasamang nagdiwang ng pasko.

"Ang saya naman! Ngayon ang unang pasko na kumpleto tayo. Ikaw, ako, si AC at si Baby." masayang turan ni Karita.

"Sige. Ayos lang ako dito." singit ni Kathy na agad tinawanan ni Karita.

"Syempre! Masaya din akong nandito ka. Sa sunod na taon sana kumpleto na talaga tayong lahat. Yung kasama pati si Kendi, Kevin, Dad, Emman at Arman." pahayag ni Karita.

"Kasama na din dapat natin si Austin, Ate! Ikakasal na rin kami nuh!" may pagmamalaking saad niya.

"Oo na. Sana di matauhan si Austin haha" biro ni Karita sa kapatid.

"Miss na nga ako nun!"

"Sus. Akala mo lang yun. May iba na yun hahahaha"

Natatawa naman sa gilid si Jazmine habang pinapanuod silang nag-aasaran na dalawa.

"Mommy, ghetti!" request ni AC kay Karita. Agad niya naman sinubuan ito ng spaghetti habang kalong kalong. Si Jazmine naman ay pinunasan ang sauce na kumalat sa gilid ng bibig ni AC.

Simple lang ngunit naging masaya ang pagdidiwang nila ng pasko. Ganon din pagdating ng bagong taon.

                                                           
-
                  
                                                

"It's a baby boy!" masayang anunsyo ng doctor na nag-ultra sound kay Jazmine. She was now a 5 months pregnant.

"Palangga, lalaki daw!" masayang turan ni Karita dito habang hinihimas mula noo hanggang ulo si Jazmine.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon