Kabanata 15

4.4K 146 210
                                    

"Ate, hindi pa ba uuwi si Ate Karita at Ate Yaz?" walang muwang tanong ni Kevin kay Kathy.

"Ahm. Babalik din sila." tipid na lang na sagot nito. Hindi niya alam paano ipapaliwanag sa batang isip ni Kevin ang mga nangyayari.

"Kumain ka na muna." sa ngayon ay siya ang nag-aalaga sa mga kapatid niya. Labis siyang nakukunsensya sa nangyari.

Kung hindi lang sana siya basta basta nagtiwala kay Seph ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Sana ay masaya pa rin silang magkakasama sa isla.

Si Seph ay hindi na nagpakita o nagparamdam man lang sa kanya. Marahil ay nagpapakasasa na iyon sa perang nakuha mula sa pabuya ng maituro si Jazmine.

Sa ngayon ay nagagampanan niya naman ang pag-aalaga sa mga kapatid niya pero di makaka-ila na sa ilang araw pa lang ay sobrang hirap na nito para sa kanya.

Sa kabilang banda naman ay nakalabas na ng ospital si Jazmine.
Hindi siya pumayag na ipalaglag ang anak nila ni Karita pero ang kanyang ama ay determinado.

Nagbook na ito ng flight papunta sa Thailand para sa legal abortion. Nilihim ni Nathan ang pagbubuntis ni Jazmine sa lahat lalo na sa Montori kaya nakakulong ngayon si Jazmine sa kwarto niya at hindi pinapalabas.

Walang ibang nakakapasok sa kwarto niya kahit ang kanyang ina ay di maaari tanging ang mga katulong na naghahatid lamang ng pagkain ang
Wala siyang laptop o cellphone.

Parang wala talagang paki-alam ang kanyang ama sa pagbubuntis niya. Kahit pa nga nahihilo siya o nagsusuka ay balewala lang dito. Masyado na itong naging ganid sa pera.

Sa kagustohan niyang hindi bumagsak ang kompanya ay gagawin niya ang lahat.

Walang ibang ginagawa sa kwarto si Jazmin sa nakalipas na araw kundi isipin si Karita at mga kapatid nito.
Lagi niya lang rin suot ang damit na suot nya bago sila magkahiwalay ni Karita.
Labis na siyang nag-aalala dito. Ilang araw ng wala siyang balita dito.

Dahil wala siyang magawa ay nagbutinting siya ng kung ano ano sa box niya. Mga old letters sa kanya, mga pictures nila ng mga kaibigan niya at naagaw ng pansin nya ang isang kahon pa.
Pagkuha nya dun ay medyo mabigat.

Binuksan nya ito at laking gulat nya ng makita ang lumang cellphone. Matagal niya ng nailagay yun dun at akala niya nga ay natapon niya na. Hindi niya inaasahan na nandun pa pala ang IPhone 4 niya.

Sinubukan niya itong paganahin pero nakapatay lang ito.
Sumunod ay kumuha siya ng charger.
Pagsaksak nya sa cord ay pipi syang nagdadasal na sana gumana.

"Wah!!" halos mapatili siya ng lumabas ang charging sign nito.
Naghintay pa siya ilang sandali para tuluyang buksan iyon.

--

"Hoy! Ikaw! May dalaw ka!" tawag ng isang pulis kay Karita.

Nahirapan naman siyang tumayo at pa-ika ika na naglakad palabas.
Agad siyang pinosasan paglabas niya at pinalakad.

"Bilisan nyo ha!" bilin sa kanya ng pulis.

"Kayo ba ang bisita ko?" naiilang na tanong ni Karita sa mga ito.

"Yeah!" magandang ngiti ng babae sa kanya. "Take a seat."

Naupo lang si Karita sa harap nila at pinagmamasdan ito. Kinikilala ang nga tao sa harap nya na sa tingin niya ay ngayon niya lang nakita.

"By the way, i'm Austin." pakilala ng lalaki sa kanya na naglahad ng kamay. Agad naman siyang binatukan ng Babae.

"You're so babaero talaga! Baka want mong makalbo ni Yazmin!" asik sa kanya ng babae.

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon