Pinasya nilang magpalakas muna si Jazmine sa ospital bago magbiyahe papuntang Texas, US para sa treatment ng kanyang sakit.
Walang araw na hindi binantayan ni Karita si Jazmine.
Siya ang nag-aasikaso dito. Siya ang nagpapakain, nag-lilinis at sinisiguradong naiinom nito ang kanyang gamot."Palangga, you should rest too." marahan lang na ngumiti si Karita kay Jazmine.
"You are my rest." hinahaplos nito ang buhok ni Jazmine na syang nagpangiti dito.
"Kailangan mong magpalakas ha?" mahinang saad niya na tinangoan ni Jazmine.
Napikit itong may maliit na ngiti sa labi niya.
Pumapayat na ito at namumutla. Sa araw araw ay hindi rin siya nawawalan ng pasa at kung minsan din ay dumudugo ang ilong nito.Nahihirapan man siya ay matibay ang loob niyang lumaban dahil nandyan si Karita na nagiging lakas niya. Nakaka-video call niya rin kung minsan si AC.
Hinahanap na nga sila ng bata dahil hindi naman ito pupwede sa ospital, mabuti na lamang ay nandyan si Kathy na mag-aalaga kay AC.
Makalipas ang halos isang buwan ay nagpasya na silang lumipad sa Texas kasama si AC at Kathy.
Inaalalayan lang ni Karita sa paglalakad dahil ayaw nitong mag wheelchair dahil maayos pa naman daw syang nakakalakad.Pagdating sa bahay nila sa US ay agad na nagsuka si Jazmine.
Kinompol ni Karita ang buhok nya sa gitna at hinagod ang kanyang likod."Palangga.." nag-aalalang tawag niya dito.
"I-I'm okay. I was bit dizzy. Maybe a jetlag." naghilamos lang si Jazmine at pagharap kay Karita ay yumakap siya dito.
Ilang saglit pa ay muli na naman siyang naduwal ngunit walang lumabas sa kanyang bibig.
"Ate Yaz?" takang tawag sa kanya ni Kathy habang buhat buhat nito si AC. "Bakit ka nagsusuka?"
"Nahilo ata siya sa biyahe natin. Alam mo naman halos 18 hours." sagot ni Karita.
Sinuri ng tingin ni Kathy si Jazmine.
"Hmm.. May PT kit ako sa bag. Kung sakaling gusto mong mag try?" alanganing pahayag nito.
Nagkatinginan naman si Jazmine at Karita sa sinabi nito.
"Mommy, you look like may sakit." malungkot na saad ni AC dito.
"Mommy is fine, baby. I was just nahilo because of our flight." pagdadahilan ni Jazmine sa anak.
"Tara na sa labas. Ubusin mo na food mo." aya ni Kathy kay AC at tuloyan ng lumabas.
Paglabas ni Kathy at AC ay naiwan na lang si Jazmine at Karita sa kwarto. Muli silang nagkatitigan. Nagtatanong ang mata ni Karita sa kalagayan ni Jazmine. Nagkibit balikat lang ito at muli siyang niyakap. Inihilig ni Jazmine ang kanyang ulo sa dibdib ni Karita.
Iginiya siya nito palapit sa kama at maingat siyang inihiga.
"You think i'm pregnant?" tanong niya habang nanatiling nakayakap ng mahigpit dito.
"Hindi ko alam. H-hindi naman siguro." sagot ni Karita.
"You don't want me to get pregnant?" mahinang tanong nito.
"Gusto syempre pero hindi ngayon. Tsaka na kapag magaling ka na at malakas ka na." iniangat ni Jazmine ang kanyang ulo at marahang dinampian ng halik sa labi sa Karita.
"I guess, i am." saad niya.
"D-Delikado diba?" kinakabahang tanong niya.
Mahina na ang katawan ni Jazmine at lalong magiging delikado kung magbubuntis pa siya.
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...