Kabanata 6

5.4K 229 105
                                    

Ahhh..

Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako nakarating sa langit. Dahil pa sa palad ko. Nakakainis na babae talaga!

"Baby, what are you doing pa ba inside the bathroom? Let's sleep na." napapikit na lang ng mariin si Karita ng marinig nyang tinatawag siya ni Jazmine.

Nilinis nya na ang sarili at naghugas mabuti ng kamay bago lumabas ng cr.
Pagkalabas niya ay nag-aabang sa kanya si Jazmine pero nilagpasan nya lang ito at halos di binato ng tingin. Nagtungo siya sa kwarto at pabagsak na hiniga ang katawan sa kama na parang pagod na pagod.

Ilang sanglit lang ay pumasok na si Jazmine sa kwarto. Agad niyang pinatay ang ilaw at tumabi kay Karita. Nakatalikod ito sa gawi nya kaya pinaharap niya ito. Sumunod na lang din sya sa gusto ni Jazmine.

Yumakap ito sa kanya at niyakap niya na rin dahil napagod talaga siya at nagbabawi pa lang ng lakas.

"I like you" saad ni Jazmine at mabilis na dinampian siya ng halik sa labi.

Nabigla si Karita dito at bahagyang napaatras.

"Pwede bang tigilan mo paghalik sakin kung ayaw mong mahiga sa ilalim ko!" gigil na pahayag niya pero ngumisi lang si Jazmine sa sinabi nito.

"With clothes or without?" tanong pa nito.

"Sisiguraduhin kong wala." may tono ng pagbabanta na wika nito

"Ah. Scary." puno ng sarkasmo na saad nito.

"Matatakot ka talaga kaya matulog ka na bago pa may magising na naman." hindi naintindihan ni Jazmine ang sinabi nito kaya binalewala niya na lang at nagpasyang matulog na. Pinagpasalamat naman ni Karita yun.

-

Kinaumagahan ay maagang kumilos si Karita tulad ng nakagawian ngunit habang ginagawa ang mga nakasanayan ay di mawala sa isip niya ang mga pinagusapan nila kagabi ni Jazmine at ang nangyari.

Kung hindi ka tumugon baka aalis na yung babaeng yun! Kastigo niya sa sarili.

Para kang humalik sa kapahamakan! Paulit ulit na sisi niya sa sarili.

"Ay humalik!" bulalas nya dahil sa pagkagulat. May mga braso na namang yumapos sa bewang niya at di nya na kailangan alamin kung kanino galing yun.

"You're thinking about the kiss ha.." pang-aasar ni Jazmine sa kanya.

"Pwede ba? Tanggalin mo pagyapos mo dahil baka sa susunod binti mo na ang nakayapos sa bewang ko." mahinang binulong lang ni Karita ang mga huling salita.

"So sungit. Muah! I'll just hintay you there, baby." hinalikan pa nito ang gilid ng leeg ni Karita bago nakipagkulitan naman kila Kevin.

Napailing at buntong hininga na lang siya sa inasal nito.

                                                             

Habang nag-lilinis ng isda si Kathy, Kendi at Jazmine ay nagkwentuhan sila.

"Wala ka pa rin ba natatandaan ate Yaz?" usisa ni Kathy dito.

Nagdadalawang isip naman si Jazmine kung aamin na ba sya dito o hindi kaya natagal siya makasagot.

"Daming napapadpad dito talaga na nawawalan ng ala-ala." komento ni Kathy.

"Did their memory came back naman?" curious na tanong nito.

"Mukang hindi e." kibit balikat na sagot ni Kathy

"But they're family search for them naman siguro, diba?"

Lost in the IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon