Third person POV
Nang matapos maghugas ng pinggan si Jazmine ay nagtungo na siya sa kwarto nila ni Karita. Naabutan nya itong nakatalikod sa gawi nya pero sigurado siyang gising pa ito.
You'll gonna be mine and forget about him!
Pinatay niya na ang ilaw at dahan dahan gumapang paakyat sa kwarto dahil nga sa madilim. Pagkahiga ay agad niyang kinapa ang katabi na hinawi naman ang kamay niya.
Pero dahil likas na makulit si Jazmine at gusto nyang mapansin ni Karita ay niyakap niya ito mula sa likod naramdaman niya ang pagtigas ng katawan ni Karita.
"Hihihi face me." utos niya dito. Dun naman natauhan si Karita. Tinatanggal niya ang kamay ni Jazmine. Napalabi naman si Jazmine at niyakap ulit si Karita.
"Ano ba?! Ang kulit naman!" reklamo niya at humarap kay Jazmine.
"Ssshhh. They're tulog na so let's sleep na rin" balewalang saad nito at sumiksik sa katawan ni Karita.
Napahinga na lang siya ng malalim.
"Hug." bulong ni Jazmine. Napapairap si Karita habang napipilitang yakapin ito.
Nananaginip na ikaw ang kasa-kasama
'Pag gising sa umaga ikaw ang makikikita
Magiging tunay kaya ito?
Matutupad ba ang pangarap ko?Nang magising si Jazmine ay wala na si Karita sa tabi niya pero masaya siyang bumangon at hinanap ito.
Agad na tinungo ni Jazmine ang kinaruruonan ni Karita. Niyakap niya ito mula sa likod kaya napapitlag si Karita at muntik pang matapon ang mainit na tubig mula sa takore.
"Ano na naman ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako." nilapag nito ang takore at nilapag sandali para tanggalin ang nakapulupot na kamay ni Jazmine sa kanya.
Nakakunot ang noo nitong hinarap si Jazmine.
"Magandang morning!" ngiting ngiti na bati ni Jazmine sa kanya.
Bilang pagbati ay sinimangotan siya ni Karita at tinalikuran na.
Muli niyang inaangat ang tagore at muli niyang mabilis na nilapag ng yakapin ulit siya ni Jazmine.Gulong gulo naman sila Kathy sa nakikita.
"Bakit ba yakap ka ng yakap?! Hindi mo na ba mahal ang buhay mo?!" naiiritang pahayag ni Karita habang kunot na kunot ang noo.
"Why you're so masungit. Stop being grumpy in the morning." nakalabing pahayag nito.
"Edi, ihinto mo kakalapit sakin dahil naaalibadbaran ako sayo!"
"Maka-Crush back mo rin ako!" nakangiting pahayag nito.
"Anong sinasabi mo? Anong crush back?" gulong gulo na si Karita sa pinaggagawa at pinagsasabi nito.
Nilapit ni Jazmine ang kanyang bibig sa tenga ni Karita at bumulong.
"Hi crushy!" na-istatwa si Karita sa narinig.
Hi Crush! Pwede ka bang kulitin?
Hi Crush! While I'm counting 1-4-3
Hi Crush! Can I just say that
I really like you babyNang matauhan si Karita ay nakalayo na si Jazmine sa kanya at nakikipagkulitan na sa kanyang mga kapatid.
Sumpa ba yun?
BINABASA MO ANG
Lost in the Island
FanfictionSi Jazmine ay isang typical na RK Conyo girl na galing sa Syudad. Ang kanyang magulang ay naipit sa sitwasyon kung saan kailangan nila gamitin si Jazmine para masalba ang kompanya. Kailangan ni Jazmine ikasal sa taong ni minsan ay di niya pa nakilal...