Chapter 1

627 6 0
                                    


Prologue:
Lisa Manoban - isa siyang mayaman at isa sa nagmamay-ari ng Resort sa bansang Pilipinas kasama niya rito ang kaniyang bestfriend. Sikat, maganda, matalino and higit sa lahat humahanga sa ganda nang mundo humahanga sa gumawa ng mundo at may paniniwala siya na hindi lang mga isda ang nakatira sa ilalim ng dagat. Mabait, mahilig sa mga lamang dagat, mahilig din sa mga halaman kaya nagmamay-ari siya ng malalaki at malalawak na Resort and Farm sa buong bansa at napaka mapagmahal sa mga hayop, halaman at isa rin siya sa mga pumoprotekta sa lahat ng likas na yaman hindi lang sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa yaman at lakas ng kaniyang impluwensiya ay nagagawa niyang maprotektahan ang likha ng Poong May-Kapal ngunit meron pa ring mga matitigas ang ulo na sinisira ito. Napakamakapangyarihan nila sa buong mundo dahil sa galing nito sa pagnenegosyo kuha niya ang kiliti ng mga beach goers lahat nang maari mong makita ay nasa kanilang resort and farm na hahanga ka talaga. Bago siya gumawa ng hakbang ay pinag-iisipan muna niya dahil ayaw niyang may nahihirapang tao mapagmalasakit sa kapwa niya tao maging ang mga hayop at mga halaman ay kaniya ring pinagmamalasakitan.

Jennie Kim - si Jennie wala siyang apelyido dito kaya Jennie lang ang kanyang pangalan and serena siya dito and bestfriend niya si Rosè na isa ding serena. Si Jennie ay prinsesa sa kanilang kaharian ang Mermania siya ang susunod na taga pag mana ng kanilang kaharian ngunit iibig siya sa isang tao makikita niya ang isang busilak na puso nito dahil may pagmamahal siya sa nilikha ng pinakamakapangyarihan sa lahat ang Diyos, dito siya mas lalong nahulog ang loob dahil sa katangian na yun, yun ang katangian na kanyang gustong mahalin lagi niyang kinikwento ito sa kanyang Ama at Ina na ganon ang gusto niyang mahalin, ngunit malaki na siya ay di pa niya ito nahahanap o nakikita. Ngunit sa di inaasahan ay sa tao niya ito makikita pero paano niya ipaglalaban gayong magkaiba sila ng mundo. Nakikita rin nila ang mga nangyayari sa buong mundo, may kapangyarihan sila para makita ang ginagawa ng mga tao sa yamang dagat na sila ang nangangalaga dito pero makikita niya dito ang isang babae na hahangaan niya dahil sa pag protekta nito sa lahat nang likha ng Diyos na kanya ring lihim na iibigin at ang kaibigan lang niyang si Rosé ang nakakaalam.

Jisoo Kim - ang matalik na kaibigan ni Lisa, naniniwala rin siya na may iba pang naninirahan sa ilalim ng dagat. Isa ding mayaman gaya ni Lisa, pero pareho na silang walang magulang ngunit bago namatay ang kanilang mga magulang ay nag-iwan ng malaking halaga sa kanila para makapag simula dahil pareho silang matalino ginamit nila ang pera para sa pangarap nila mula pagka-bata na magkaroon ng sariling farm at resort kaya sila ang may-ari ng OrangeGreen Paradise Tail Resort and Farm na kilala sa buong mundo inspired ang pangalan ng kanilang resort dahil sa dalawang bata na nakilala nila noong mga bata pa sila na nasa edad na 6. 15 years old sila nang mamatay ang kanilang magulang tinulungan sila nang pinakapinagkakatiwalaan ng kanilang magulang na sina Sec. Dara Park na secretary ng kaniyang magulang at si Lisa naman ay ang Secretary ng magulang na si Sec.G-dragon mabubuti silang mga pinagkakatiwalaan ng kanilang magulang at hindi rin nila pinabayaan ang dalawang bata.

Rosè Park - gaya ni Jennie, wala silang apelyido Rosè lang ang kanyang pangalan. Serena rin siya na bestfriend naman ni Jennie, maiinlove din siya sa isang tao na pareho sila ni Jennie hahangaan nila ito at dahil sa pag hanga ay gagawin nila ni Jennie para hanapin sila dahil alam nilang kaya silang tulungan para matigil ang pagsira nila sa mga likas na yaman ng mundo. At hindi sila mabibigo sa kanilang misyon na tatahakin ngunit magkakaroon sila ng mga pagsubok na kakaharapin dahil sa mga masasamang loob. Ngunit buo ang kanilang loob para sa kaayusan sa yamang dagat at lupa nilibot nila ang mundo para mahanap sila, pero ang hindi nila alam ay nasa iisang lugar lang pala nila ito matatagpuan sa Batangas sa main branch ng ManKim Tale Paradise Resort and Farm.

Chapter 1
  - Nasa Batangas ang family Kim at Manoban para sa isang importanteng meeting matalik na magkaibigan ang magulang nila kaya maging ang kanilang anak ay matalik din na magkaibigan. Narito sila upang bumili ng isang napakalawak na lupain at pati ang dagat na sumusukat na 160 hectares, ay kanilang binili dahil gagawin nila itong seafood farm doon sila mag-aalalaga ng mga lamang dagat na pwede ibenta at makain. Gaya din nila Jisoo and Lisa ay inaalagaan din nila ang nature kaya gumawa sila ng farm for seafoods para paramihin alagaan at ibebenta rin ito. Nabili din nila ang napakalawak na lupa na sumusukat ito 500 Hectares na katabi lamang ng dagat na kanila ring binili na tatamnan ng iba't ibang gulay, prutas mga halaman at mag-aalaga din sila ng mga iba't ibang hayop at para makatulong din sa mga tao na magkaroon ng trabaho, mapagmalasakit ang mga magulang ng dalawa.
  - 8 years old pa lamang ang dalawa, ngunit dahil makulit sila, napadpad sila sa isang tahimik at napakagandang dalampasigan habang naglalakad sila namumulot din sila ng mga shells sa kanilang madaraanan masaya silang naglalakad dahil gandang ganda sila sa paligid labis labis ang hanga nila sa lugar na yon, nang mapadako ang tingin ni Lisa sa isang batong hinahampas ng alon at napansin niya ang isang batang babae na nakangiti tila masaya at nakikipaglaro ngunit di niya makita kung may kasama ito hindi maalis ang tingin niya halos nakatulala lang siya pero meron siyang kakaibang nararamdaman...

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon