Chapter 42
~The Crown~
- Sabay na pinapanganak nina Rosè at Jennie ang kanilang Anak. Nasa gilid lamang nila sina Jisoo at Lisa habang si Rosè ay sabunot sa buhok ni Jisoo at si Jennie naman ay nakahawak sa tenga ni Lisa tila pinipingot nito dahil hindi na rin alam ni Jennie saan siya hahawak para mailabas lamang kanilang Anak.
- Ang Ina ni Rosè at Jennie lamang ang kanilang kasama sa panganganak at ang LiSoo. Makalipas ang ilang minuto lamang ay nairaos na mailabas ni Rosè at Jennie ang kanilang mga Anak na babae. Tuwang tuwa silang apat dahil nasilayan na nila ang kanilang mga Anak , na napakagaganda kaya masayang masaya sila na binuhat ito. Little Nini at Little Lili.
- Matapos maibalita sa buong kaharian ang matagumpay na paglabas ng mga bata ay nag-diwang ang lahat dahil pagkatapos non ay magkakaroon nang isang pagtitipon para sa bagong magiging Magiging Hari at Reyna nang Kaharian ng Mermania.
- Makalipas ang halos dalawang oras ay, pumanik na ang apat sa Bulwagan para sa isang pagtitipon-tipon at ipagdiwang nang bagong silang ng Anak ng Hari. Sa pag salubong ng Reyna at Hari sa apat kasama ang kanilang mga Anak ay binigyan nang pagpugay sa kanila dahil sila ang nagligtas sa buong karagatan.
- Agad na pumwesto ang apat sa kanilang batong upuan at nagsalita ang hari.
- Amang Hari: Maraming salamat sa inyong pagdalo! Andito tayong lahat para salubungin ang bagong lahi para sa ating Mermans at mga tao! At sinagawa ko rin ito para sa isang mahalagang pagtitipon natin para sa susunod na Hari at Reyna ng Mermania, tumatanda na rin kami ng aking Mahal na Asawa! Ngunit alam ko na mas mahihigitan nila ang aming pamumuno sa buong Mermania! May naitalaga na ako at alam ko mas magiging maganda ang kanilang pamumuno pa. Lubos kong pinapakilala ang bagong Reyna at Hari ng Mermania Si Jennie ang aking Anak at Si Lisa na isa ko na ring Anak! Lapit kayo sa akin mga Anak! *lumapit ang dalawa*
*palakpakan ang lahat may gulat sa mukha ng dalawa*
- Kokoronahan na ang dalawa at sa pagsuot sa kanila ng korona ay palakpakan at pagbati sa kanila ang natamo nila.
- Amang Hari: at isa pa! Meron pa akong tinatalaga na isa pang mamumuno sa kaharian. Tinatawag ko sina Rosè at Jisoo! Halika kayo!
*pag aya niya sa dalawa na kinagulat din ng dalawa at lumapit agad sila*
- Sa kanilang paglapit ay kinamayan at kinoronahan silang dalawa bilang duke at dukesa ng Mermania. Palakpakan at pagbati muli para sa kanila ang kanilang natamo. Parehong hindi makapaniwala ang apat, kahit alam naman ni Jennie na siya ang magmamana ng trono ay kasama niya ang kaniyang kabiyak sa pagmumuno at ang kanilang mga kaibigan na siyang kanilang kasama sa pag Harian at Pagreynahan ang Mermania.- Makalipas ang ilang oras na pagtitipon ay ang apat na lamang ang natira at ang Reyna at Hari. Naguusap lamang sila nang seryoso para sa magiging kaayusan pa nang buong karagatan ng mundo.
- Masinsinan ang kanilang paguusap para sa mga mangyayari, ang magiging kanilang set up ay salit-salit sila na mamuno sa kaharian, sa isang buwan ay ang ChaeSoo ang magiging back up ng dalawa at matapos ang isang buwan ay ang dalawa naman, ang JenLisa.
- Ngunit mamimiss ng LiSoo ang isa't isa dahil buong buhay nito ay hindi nawalay ang presensya niya sa tabi niya si Jisoo maging si Jisoo ay nalungkot din, pero kailangan dahil para naman sa ikabubuti nang lahat.
- Maging ang ChaeNnie din ay maghihiwalay sa unang pagkakataon, dahil bata pa ay sila na ang magkasama hanggang ngayon na may kaniya kaniya na silang Pamilya. Ngunit masaya pa rin naman sila dahil kasama naman nila ang kanilang mga kabiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/256131434-288-k432098.jpg)